PANOORIN: Protesta kontra Trump, ikinasa bago ang ASEAN Summit
MANILA, Philippines — Nagprotesta ang mga progresibong grupo at civil society organizations sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) laban sa nakatakdang pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit ngayong Nobyembre.
Bitbit ang panawagang “Trump Not Welcome,” nagpahayag ng pagtutol ang mga grupo sa pagdating ni Trump sa bansa, na siyang punong-abala sa regional summit sa Nobyembre 16 hanggang 18.
Kabilang din sa mga isyung ikinababahala ng mga grupo ang Pax Silica, isang inisyatiba na pinangungunahan ng US na may kaugnayan sa supply chain ng mahahalagang teknolohiya at mineral.
Ito ang unang pagbisita ni Trump sa Pilipinas mula nang dumalo siya sa 31st ASEAN Summit noong Nobyembre 2017. — Video mula kay Philstar.com intern / Luis Palma
- Latest


















