^

Bansa

Pinoy na undecided sa VP Sara impeachment trial nabawasan

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mas dumami ang mga Pilipinong may paninindigan na sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ayon sa OCTA Research.

Batay sa survey, bumaba sa 47% mula 55% ang mga nagsabing nais muna nilang makita ang mga ebidensiya bago magpasya. Samantala, tumaas sa 46% mula 38% ang may pinapanigan nang hatol.

Gayunman, nananatiling hati ang opinyon ng publiko. Mula sa 21%, umakyat sa 25% ang pabor sa acquittal, habang tumaas naman sa 21% mula 17% ang pabor sa conviction.

Sa NCR, lumobo sa 34% mula 19% ang pabor sa conviction. Sa Mindanao naman, umakyat sa 52% mula 41% ang pabor sa acquittal, na siyang nag-iisang rehiyong may mayoryang suporta sa isang panig.

Isinagawa ang survey mula Sept. 28-Okt. 4, 2026 sa 1,200 respondent na edad 18 pataas.

NCR

OCTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with