^

Bansa

House prosec handa sa cross exam kina VP Sara, Mans

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
House prosec handa sa cross exam kina VP Sara, Mans
Composite image shows Vice President Sara Duterte as seen in June 2026 and her husband, Mans Carpio, in April 2026.
Duterte office; The STAR / Miguel de Guzman; Philstar.com composite

MANILA, Philippines — Nakahanda ang prosecution panel na isailalim sa cross-examination sina Vice President Sara Duterte at ang mister nitong si Atty. Manases “Mans” Carpio sakaling iharap sila ng defense panel bilang mga testigo sa pagpapatuloy ng Senate impeachment trial sa Nobyembre 9.

Ayon kay House lead prosecutor Gerville “Jinky” Luistro, posible umanong tumestigo ang mag-asawa upang magpaliwanag hinggil sa kanilang mga transaksiyong pinansyal at mga dokumentong iniharap ng prosekusyon kaugnay ng kasong “unexplained wealth.”

Sinabi ni Luistro na interesado ang prosekusyon na marinig mismo ang paliwanag nina Duterte at Carpio sa kanilang mga bank records, interes sa mga korporasyon at negosyo, at mga deklarasyong pinansyal.

“Interesadong-interesado kaming marinig ang kanilang testimonya sapagkat ito ang mga kasagutang matagal na nating hinihintay,” ani Luistro.

Bago ang sine die adjournment at Undas break, natapos na ng pro­secution panel ang presentasyon ng mga ebidensya para sa Article II, kabilang ang testimonya ni forensic accounting expert Atty. Alexander Cabrera na nagsabing umabot sa P817.87 milyon ang paglobo ng kayamanan nina Duterte at Carpio, na maaari pang umabot sa P1.5 bilyon sa konserbatibong pagtataya.

Sa susunod na Linggo, ang defense team naman ni VP Sara ang maghahain ng kanilang mga ebidensya at testigo upang sagutin ang akusasyon ng umano’y “unexplained wealth.”

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with