^

Punto Mo

Babaing may brain aneurysm pinagaling ni St. John Paul II (part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

AYON kay Floribeth, wala siyang naramdamang sakit o pagod makaraang bumangon. Napakalakas daw niya. Nagkaroon daw siya ng renewed spirit at kapayapaan ng isipan.

Hindi raw makapaniwala ang kanyang pamilya sa nangyari. Manghang-mangha sa kanyang pagbangon. Naganap iyon sa mismong araw ng canonization ng yumaong Pope John Paul II.

Noong July 2011, dumating ang relic ni Pope John Paul II sa Costa Rica. Inilagak ang relic sa parish church.

Nagtungo roon sina Floribeth at kanyang asawa. Dumating sila sa simbahan ng alas otso ng umaga.

Pagdating nila sa simbahan, tinanong daw sila ng isang pari roon kung ano ang maitiutulong sa kanila.

Sinabi umano nina Floribeth at asawa na gusto nilang makita ang relic ni Pope John Paul II.

Pinapasok umano sila ng pari sa loob.

Nakita nila ang relic ni Pope John Paul II. Hindi raw maipaliwanag ni Floribeth ang nadama nang makita ang relic. Bumalik sa alaala niya ang narinig nang araw na nag-iisa siya sa room: “Be not afraid. Get up.”

Kinabukasan, bumalik sila sa simbahan at nagdala ng mga bulaklak.

Ipinagtapat niya sa parish priest na pinagaling siya ni St. John Paul II.

Manghang-mangha umano ang pari sa kanyang ipinagtapat.

Noong Nobyembre 11, 2011, isinailalim sa resonance test sa ospital si Floribeth. Habang isinasagawa sa kanya ang test, masayang-masaya umano si Flo­ribeth. Wala raw siyang nadamang kaba o takot kaya. Kalmadung-kalmado umano siya.

Kinabukasan, nagtungo siya sa doktor para malaman ang resulta ng test. Paulit-ulit daw na sinuri ng doktor ang resulta. Wala itong nakita. Wala na ang kanyang aneurysm! (Itutuloy)

JOHN PAUL II

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with