Krisis sa klima, krisis din sa kalusugan – Legarda
MANILA, Philippines — Nanawagan si Senadora Loren Legarda nang mas matinding paghahanda laban sa epekto ng climate change at pagpapalakas ng serbisyong pangkalusugan matapos ilabas ng The Lancet ang isang pandaigdigang pag-aaral na nag-uugnay sa milyun-milyong pagkamatay sa matinding init at polusyon.
Batay sa 2026 Lancet Countdown on Health and Climate Change, nasa 710,000 katao ang namatay sa buong mundo dahil sa matinding init noong 2023, kung saan mahigit 70 porsiyento ang iniuugnay sa climate change na dulot ng gawain ng tao. Tinatayang 2.73 milyong katao rin ang namamatay taun-taon dahil sa polusyon sa hangin mula sa fossil fuels.
Ayon kay Legarda, pinatutunayan ng ulat na ang krisis sa klima ay isa ring krisis sa kalusugan. Aniya, kaakibat ng matinding panahon ang pagdami ng mga kaso ng dengue, leptospirosis, heatstroke, altapresyon, at iba pang sakit sa paghinga dahil sa polusyon sa hangin.
“Akala ng iba na ang climate change ay environmental issue lamang - hindi. Matagal ko nang sinasabing ang pagbabago ng klima ay usapin din ng kalusugan at buhay,” sabi ni Regarda.
Tinukoy rin sa pag-aaral na umabot sa $1.07 trilyon ang nawalang potensyal na kita sa buong mundo noong 2025 dahil sa matinding init, kabilang ang mabigat na epekto nito sa Timog-Silangang Asya.
- Latest




















