Towns, Brunson tinulungan ang Knicks sa unang panalo
NEW YORK — Humakot si Karl-Anthony Towns ng 27 points at 20 rebounds at naiwasan ng Knicks na mahulog sa ikalawang 0-4 panimula ng isang defending champion sa NBA history matapos talunin ang Detroit Pistons, 111-97.
Umiskor si Jalen Brunson ng 23 points, habang nagsalpak si Mikal Bridges ng apat na three-pointers para tumapos na may 12 markers sa unang panalo ng New York matapos sa Game Five ng NBA Finals.
Sa pagsisimula ng season at natalo sila sa Philadelphia 76ers, Boston Celtics at Orlando Magic.
Ang 1969-70 champion Celtics ang nagtala ng 0-4 start sa pagbubukas ng season matapos manalo ng korona.
Kumamada ang Knicks (1-3) ng 37 points sa third period at nilimitahan ang Pistons (3-1) sa 13 markers patungo sa paglilista nila ng isang 25-point lead.
Tumipa si Cade Cunningham ng 19 points, siyam na rebounds at walong assists para sa Detroit na tinalo ang New York sa anim nilang paghaharap sa regular season.
Sa iba pang laro, wagi ang Portland Trail Blazers sa Los Angeles Lakers, 136-129; lusot ang Celtics sa Brooklyn Nets sa overtime, 125-124; at binugbog ng San Antonio Spurs ang Sacramento Kings, 130-103.
- Latest
















