Ano ang ibig sabihin ng dugo o kulay pula na ihi?
Madalas na nababahala ang isang tao kapag nakakita siya ng dugo sa kanyang ihi. May iba’t ibang sanhi ang pagkakaroon ng dugo sa ihi. Kadalasan ay kulay pula, pink o dark brown ang ihi na may dugo. Madalas ay wala itong sintomas.
Kapag mayroong dugo sa ihi, maaaring apektado ang iyong kidney o ibang bahagi ng daluyan ng ihi. Ilan sa mga sakit na pwedeng magkaroon ng dugo sa ihi ay
1. Urinary tract infection o UTI.
2. Kidney infection. Maaaring umakyat sa kidney ang bacteria at magdulot ng pamamaga dito. Kadalasan ay may kasamang pananakit ng lower back at lagnat.
3. Kidney stones. Kapag sobrang laki ng stones ay makakaramadam ng sobrang sakit sa lower back.
4. Enlarged prostate. Madalas itong nakikita sa mga tumatandang lalaki.
5. Kidney disease tulad ng glumerulonephritis.
6. Cancer
Kailangan ay iwasan ang mga sakit na nagdudulot ng pagkakaroon ng dugo sa ihi. Uminom ng sapat na tubig at huwag magpigil ng ihi upang maiwasan ang UTI. Iwasan din ang pagkakaroon ng kidney stones sa pamamagitan ng tamang pagkain at ehersisyo.
- Latest















