^

Bansa

P1 bilyong para sa Project NOAH, palalakasin tugon sa baha, climate change

Pilipino Star Ngayon
P1 bilyong para sa Project NOAH, palalakasin tugon sa baha, climate change
Geologist Mahar Francisco Amante Lagmay, executive director of Project NOAH (Nationwide Operational Assessment of Hazards), together with a group of researchers, monitors the effects of Typhoon Obet at their office in UP Diliman as the storm exits the Philippine Area of Responsibility (PAR) on August 25, 2026
Michael Varcas/ he Philippine STAR

MANILA, Philippines — Naglaan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng P1 bilyon para sa Project Nationwide Operational Assessment of Hazards (NOAH) na pinangangasiwaan ng UP Resilience Institute (UPRI) upang palakasin ang pamamahala sa baha, hazard monitoring, at disaster risk reduction systems sa harap ng tumitinding epekto ng climate change.

Ayon kay UPRI Executive Director Mahar Lagmay sa panayam sa PCO-Integrated State Media, ang pondong ito ay magpapalawak sa impact-based forecasting ng NOAH na gumagamit ng makasaysayang datos, satellite images, rainfall data, at iba pang dataset. Layunin nitong magbigay ng mas mabilis at mas eksaktong babala kung saan posibleng bumaha at ano ang magiging epekto nito sa mga kalsada, bahay, gusali, at daloy ng trapiko.

Sa kabuuang alokasyon, P935 milyon ang nakalaan para sa research services, habang P65 milyon ang para sa general management at supervision ng NOAH. Kasama sa mga proyekto ang high-resolution mapping ng river basins, hazard assessments, land-use planning, LiDAR drone surveys, native tree mapping, sediment erosion assessments, at paggamit ng artificial intelligence para sa disaster risk management.

Kasabay nito, inatasan ni Public Works Secretary Vince Dizon ang pag-update ng lahat ng flood management master plans upang maprotektahan ang mga Pilipino laban sa taunang pagbaha. Ang DPWH ay nakikipagtulungan sa UPRI, LGUs, at iba pang ahensya para maisama ang detalyadong hazard mapping at scientific data bago ipatupad ang mga proyekto.

Noong Setyembre 2, sinabi ng Pangulo na matagal nang may flood control master plan ang bansa ngunit ngayon lamang ito ipinatutupad. Ang pahayag ay kasabay ng malawakang pagbaha sa Central Luzon, Metro Manila, at iba pang bahagi ng Luzon dulot ng malakas na Habagat.

Ayon kay UP President Angelo Jimenez, ang pondong inilaan ng administrasyon sa UPRI ay isang pamumuhunan sa kapangyarihan ng pananaliksik at inobasyon para sa bayan.

NOAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with