PANOORIN: Silipin ang Bagong ‘Senses of the Sea’ Museum sa Batangas
MANILA, Philippines — Muling binuksan ang upgraded na “Senses of the Sea” museum sa Sto. Tomas, Batangas matapos ang malawakang renovation ng Mega Prime Foods Inc.
Nasa loob mismo ng manufacturing plant ng kumpanya ang educational hub, na ngayon ay may upgraded acoustics, lighting at interactive displays para mas maipakita ang proseso sa likod ng fishing at sardine production.
Tampok dito ang kuwento kung paano hinuhuli at pinoproseso ng Mega ang sardinas sa loob ng 12 oras.
Kasama rin sa museum experience ang mga aralin tungkol sa marine ecosystems, ocean zones, food cycles at responsible fishing.
Layunin ng museum na turuan lalo na ang mga estudyante at pamilya tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga sa karagatan. — Philstar intern / Shield Delovieres
- Latest




















