^

Metro

Kasambahay timbog sa tinangay na P4.5 milyong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Kasambahay timbog sa tinangay na P4.5 milyong
Pinangunahan ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang ground breaking ng 5-storey multi-purpose building, bagong Ospital ng Malabon (OsMal) extension building at parking building sa F.Sevilla Blvd. sa Brgy. Tañong ng nabanggit na lungsod.
Ernie Peñaredondo

Galamay ng ‘Dugo-Dugo’ gang

MANILA, Philippines — Arestado ang isang kasambahay matapos nakawin ang mga relo, alahas at perang nagkakahalaga ng tinatayang P4.5 milyon ng kanyang amo kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Sa ulat  na tinanggap ni Quezon City Police District (QCPD) Director, PBGen Christopher Olazo, si alyas “Lyn”, 19  na residente ng Uson, Masbate, ay nadakip ng Masambong Police Station (PS 2).

Ayon kay PLt. Col. Rolando Baula, alas-3 ng hapon nitong Huwebes (Setyembre 3) nang ma­diskubre ng biktima at kanyang asawa sa kanilang pag-uwi na nawawala na ang mga relo, alahas at pera.

Dahil dito, tinanong ng biktima ang kanilang mga kasambahay at security personnel kung may pumasok sa kanilang silid.

Sa gitna ng pagtatanong, inamin umano ng suspek na kinuha niya ang mga alahas at pera dahil  ibinigay niya ang mga ito sa isang hindi kilalang lalaki na nakasakay ng isang Grab vehicle.Sinabi umano ng suspek na nalinlang siya sa paniniwalang naaksidente ang among babae at apurahang nanga­ngailangan ng pera at mahahalagang gamit pambayad sa gastusing medikal.

Agad iniulat ang insidente sa PS 2 na nagsagawa ng follow-up investigation na humantong sa pag-aresto sa suspek bandang alas-5 ng hapon sa araw ding iyon. Nabatid na nagsi­mula lamang magtrabaho ang kasambahay bilang stay-in sa kanyang mga amo noong Marso 31, 2026.

Samantala, nagsasagawa ng follow-up operations ang mga imbestigador ng QCPD at sinusuri ang mga nakuhang CCTV footage upang matukoy ang mga posibleng kasab­wat ng kasambahay.

Inihahanda na ang kasong Qualified Theft sa ilalim ng Article 310 ng Revised Penal Code laban sa kasambahay.

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with