^

Probinsiya

Mga estudyante sa Quezon pinagsusuot ng face mask

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Pinayuhan ang mga estudyante at buong komunidad ng Enverga University sa lalawigan ng Quezon na magsuot ng face mask kapag nasa labas dahil sa iniulat na haze na nakaaapekto sa CALABARZON Region at ilang bahagi ng bansa.

Batay sa community advisory ng isa sa mala­king pribadong unibersidad sa lungsod, iniulat ng Department of Environment and Natural Resources–Environmental Management Bureau (DENR-EMB) ang pagkakaroon ng haze sa ilang lugar sa Pilipinas. 

Maaaring may kaugnayan umano ito sa usok at transboundary haze mula sa patuloy na mga sunog sa Kalimantan, Indonesia.

Kaugnay nito, hinika­yat ang mga estud­yante ng Enverga University na magsagawa ng ka­ragdagang pag-iingat, partikular kapag nakikitang makapal ang haze sa kanilang lugar.

Pinapayuhan din ang lahat na limitahan ang matagal na pananatili o pagsasagawa ng mga aktibidad sa labas, habang dapat namang maging mas maingat ang mga indibiduwal na may mga kondisyon sa respiratory o cardiovascular system.

HAZE

STUDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with