^

Probinsiya

Sekyu ‘di binigyan ng advance, manager at driver pinagbabaril

Pilipino Star Ngayon
Sekyu ‘di binigyan ng advance, manager at driver pinagbabaril
Kapwa sugatang isinugod sa Diocesan Hospital ang mga biktima na kinilalang si Lyn, 49-anyos, dalaga, residente ng naturang lugar at ang driver nito na si Jim, 24-anyos. Sumuko naman sa mga barangay officials makaraan ang pamamaril ang suspek na kinilalang si Drei, 26-anyos, residente ng Brgy. Biyong. Isinuko rin nito ang Kalibre 38 baril na ginamit sa pamamaril.
STAR/ File

MASBATE CITY, Masbate, Philippines - Sugatan ang national administrator manager ng isang security agency at nadamay rin ang driver nito matapos na pagbabarilin ng kanilang gwardya na nagalit makaraang hindi siya pagbigyan sa hinihinging “advance” sa sahod sa loob mismo ng kanilang tanggapan sa Omnibuz Security Agency Office sa Purok-3, Brgy. Asid, Masbate City, Masbate kamakalawa ng umaga.

Kapwa sugatang isinugod sa Diocesan Hospital ang mga biktima na kinilalang si Lyn, 49-anyos, dalaga, residente ng naturang lugar at ang driver nito na si Jim, 24-anyos. Sumuko naman sa mga barangay officials makaraan ang pamamaril ang suspek na kinilalang si Drei, 26-anyos, residente ng Brgy. Biyong. Isinuko rin nito ang Kalibre 38 baril na ginamit sa pamamaril.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga nagpunta ng kanilang opisina ang suspek at humihirit ng “advance” kay Lyn. Pero ayon sa manager ay 500 lang ang pera nito at tutungo pa lamang sa bayan para mag-withdraw.

Dahil wala pang maipahihiram na pera ay nag-offer muna ang biktima ng bigas sa gwardya at pinakukuha lang ito sa kanilang opisina. Gayunman, marahil ay minasama ito ng suspek kaya binunot nito ang kanyang service firearm at saka pinagbabaril ang kanyang manager pati ang driver nito.

BARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with