^

Probinsiya

Vice mayor, mga Kapitan nagsigawan, nagmurahan sa sesyon!

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

Dahil sa alegasyong ‘ninakaw’ na pondo

ILAGAN CITY, Isabela , Philippines — Nauwi sa mainitang pagtatalo, sigawan at murahan ang pagtalakay sa paggamit at alegasyong “pagnanakaw” sa P66 milyon na tobacco excise tax funds sa pagitan ni Reina Mercedes Vice Mayor Jeryll Harold Respicio at mga opisyal ng barangay sa sesyon ng Sangguniang Bayan (SB) habang naka-live stream sa social media nitong Lunes.

Kinuwestiyun ni Respicio ang mga proyekto na pinondohan mula sa bahagi ng bayan sa tobacco tax, partikular ang mga proyektong aniya’y hindi pa natatapos o hindi pa naipatutupad. Hiningi rin niya ang paglilinaw kung ang mga pondo ay napupunta sa mga programang direktang nakikinabang ang mga magsasaka ng tabako.

Kinuwestiyon din ni Respicio ang hindi pagdalo ng mga tobacco ­farmers sa nasabing pagdinig, na aniya’y makatutulong sana sa paglilinaw sa pagpapalabas at paggamit ng pondo.

Uminit ang talaka­yan nang magpalitan ng maaanghang na salita sina Respicio at mga barangay chairmen hanggang sa tuluyan nang magsigawan at magmurahan at ipinagsigawan ni Respicio na magnanakaw ang mga barangay officials.

“Magnanakaw ka! Mga magnanakaw!” sabay duro ni Respicio sa mga katalong  kapitan na sinagot naman siya ng “bastos” at “walang magnanakaw rito, wala pang napapatunyan na may nagnakaw”.

“Kahit sino na lang tinatawag mong magnanakaw dito, hindi ka nga nagtatrabaho dito (Isabela). Lagi kang nagra-rally sa Manila, pumupunta ka lang dito tuwing sahod mo. T….na ka!” sagot pa ng isang kapitan.

Sa kabila na mayroon nang umaawat na mga pulis, at nagsasabi ng “point of order” tuloy pa rin sa pag-aakusa ng “magnanakaw” si Respicio sa mga barangay officials.

Dahil dito, nagtayuan ang mga nasa loob ng session hall at nag-walkout habang nakikipagsigawan at nakikipagmurahan pa rin si Respicio sa mga barangay officials na nagsilayas sa sesyon.

Samantala, ipinagtanggol ni Mayor Malou Respicio-Saguban ang paggamit ng pondo ng lokal na pamahalaan, na sinabing alinsunod ito sa mga itinakdang alituntunin ng gobyerno at inilaan sa pangmatagalang proyekto sa mga barangay.

Dahil sa insidente, nagpahayag ng pagkamuhi ang mga netizens sa naging asal ni Respicio sa loob ng session hall.

Hindi rin nagustuhan ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang inasal ni Respicio bilang presiding officer dahil nagmukhang siya pa ang nagpasimuno ng kaguluhan at kawalan ng “order” sa sesyon.

“His behavior was inexcusable. We will look into what we can do to rectify this attitude. This is what kids see and absorb as normal. This is a sad day for local government,” ayon kay DILG Sec. Remulla.

SB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with