^

Metro

Lalaki armado ng baril sa Baclaran church, tiklo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Lalaki armado ng baril sa Baclaran church, tiklo
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

MANILA, Philippines — Himas rehas ngayon ang isang 30-anyos na lalaki na umano’y ­lasing at armado ng baril na nanuntok ng security guard sa loob ng National Shrine of Our Mother of Perpetual Help sa Baclaran, Parañaque City, nitong Linggo, Agosto 30.

Ayon sa Parañaque City Police Station, nagsimula ang insidente dakong alas-4:40 ng hapon sa compound ng simbahan sa Redempto­rist Road, Brgy. Baclaran. Napansin ng duty security guard ang kakaibang kilos ng suspek na si alyas “Jenevie”, isang helper at residente ng Imus, Cavite, kaya nilapitan at pinapalabas sa compound. Sa halip na umalis, sinuntok umano ng suspek ang guwardiya.

Duguan ang mukha ng security guard at may isa pang indibidwal na iniulat na nasugatan habang pinipigilan ang suspek. Dakong alas-5:15 ng hapon nang tuluyang maaresto at madala sa Baclaran Police Sub-Station ang suspek.

Nakumpiska sa suspek ang isang kalibre .38 na “paltik” revolver na may isang bala. Nahaharap siya sa reklamong paglabag sa Article 155 (Alarm and Scandal) at Article 151 (Disobedience to an Agent of a Person in Authority) ng Revised Penal Code, gayundin sa Republic Act No. 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with