May kabag at masakit ang tiyan
Kapag ang hangin ay hindi nailabas ng pag-dighay at pag-utot, ito ay mabubuo sa tiyan at bituka na dahilan ng pagkakaroon ng hangin (bloating). Ang sakit ng tiyan ay maaaring hindi masyadong masakit o kaya naman ay matigas at sobrang sakit, ito ay nangyayari kung mahangin ang tiyan o may kabag. Kung maaalis ang hangin ay mawawala ang sakit. Kaugnay din dito ang LBM at lactose intolerance. Ang pagkain ng matataba at mga pagkain na nakapagbibigay ng hangin sa ating tiyan gaya ng beans, at iba pang gulay, ang mahangin na tiyan ay resulta rin ng stress, labis na pag-aalala at paninnigarilyo.
Tips para maiwasan ang kabag:
1. Magbawas sa mamantikang pagkain. Dahil napapatagal nito ang pagtunaw ng pagkain.
2. Bawasan ang mga pagkaing nagbibigay ng hangin sa tiyan. Tigil ang soft drinks. Bawasan ang beans, peas, repolyo, sibuyas, broccoli, cauliflower, pasas, prunes, bran cereals at muffins.
3. Iwasan din ang pagkain ng chewing gum at matigas na candy.
- Latest















