^

Bansa

VP Sara may 400 security na bakit ginamit pa confidential funds - prosec

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
VP Sara may 400 security na bakit ginamit pa confidential funds - prosec
In this photo uploaded on Facebook on July 10, 2026 shows Vice President Sara Duterte during her visit to Miarayon Central Elementary School for the Balik Eskwela program in Miarayon, Talakag, Bukidnon.
Vice President Sara Duterte via Facebook

MANILA, Philippines — “Bakit ginamit ang confidential funds para sa sinasabing mga operasyon para sa seguridad ni Vice President Sara Duterte gayong mayroon nang mahigit 400 tauhan na nakatalaga para sa kanyang proteksiyon?”

Ito ang tanong ni Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr., counsel at tagapagsalita ng prosekusyon sa Kamara, matapos ang testimonya ni Xylene Mae del Campo ng COA-ICFAO hinggil sa paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng confidential funds.

Ayon kay Tolosa, tungkulin na ng Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) ang pagbibigay ng proteksiyon kay Duterte.

Sa cross-examination kay Del Campo, binanggit ng depensa na ginamit ang confidential funds para sa mga operasyon gaya ng pagmamanman at iba pang hakbang sa seguridad sa biyahe ni Duterte sa iba’t ibang lugar. Ngunit kinuwestiyon ni Tolosa kung bakit kailangan pang gumastos ang OVP para rito gayong may nakatalagang security group na.

Itinuro rin ni Kabataan Party-list Rep. Renee Louise Co na may ­sariling pondo ang VPSPG na hiwalay sa OVP. “Sa puntong iyan pa lamang, kailangan nating tanungin kung usapin ba talaga ito ng seguridad, kung OVP ba ang dapat gumastos para sa ganitong bagay, o kung may ibang tanggapan na dapat sumagot dito,” ani Co.

Binanggit din ni Co ang confidential funds ng DepEd na umabot sa P112.5 milyon noong si Duterte ang Education Secretary. Aniya, tungkulin ng DepEd na maghatid ng dekalidad na edu­kasyon, kaya’t kinuwestiyon kung paano nakatulong sa mandatong ito ang mga operasyon kontra insurhensiya at terorismo.

Ayon kay Co, dapat isaalang-alang ang uri at layunin ng mga operasyon kasabay ng iba pang iregularidad na lumilitaw sa paggamit ng confidential funds.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with