^

Probinsiya

Pumatay sa traffic enforcer ng Dasma, timbog

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
Pumatay sa traffic enforcer ng Dasma, timbog
Sa manhunt operation ng Dasmariñas City Police sa pangunguna ni Police Col Mac Arthur Mercader, nadakma ang suspek na si alyas “Cesar”, nasa hustong gulang, residente rin ng Dasmariñas City dahil sa pagpatay sa traffic enforcer ng Dasmariñas City.
Pixabay / File

CAVITE, Philippines — Matapos ang ikinasang hot pursuit operation, arestado na kahapon ang nakapatay sa traffic enforcer na binaril ng nasita nitong motorcycle rider na walang helmet habang nagmamando ng trapiko ang una sa kasagsagan ng pag-ulan dulot ng habagat, sa Dasmariñas City kahapon.

Sa manhunt operation ng Dasmariñas City Police sa pangunguna ni Police Col Mac Arthur Mercader, nadakma ang suspek na si alyas “Cesar”, nasa hustong gulang, residente rin ng Dasmariñas City dahil sa pagpatay sa traffic enforcer ng Dasmariñas City.

Base sa ulat, mata­gumpay na natunton ang suspek sa tulong ng mga CCTV backtracking na isinagawa ng pulisya kasama ang Intelligence Section at SWAT Team ng lungsod.

Matatandaan na naganap ang insidente nitong Agosto 8 dakong alas-5:48 ng hapon habang ang biktima ay abala sa pagmamando sa trapiko nang lapitan at barilin sa ulo ng suspek.

Bago ang pagpatay, nasita ng traffic enforcer na si alyas Ransom ang rider na may angkas na babae dahil kapwa walang suot na helmet na isang paglabag habang bumabagbas sa Congressional Road, Brgy. Burol 1. Natuklasan din na hindi reshistrado ang Mio Soul 125 motorcyle ng suspek at wala ring driver’s license. Nanuhol pa umano ang suspek hanggang sa makipagtalo sa traffic enforcer nang i-impound nito ang motorsiklo. 

Umalis ang suspek subalit ilang minuto lamang ang nakalipas nang bumalik na armado na ng maiksing baril at binaril sa ulo ang biktima bago mabilis na tumakas.

Naaresto naman sa manhunt operation ng Dasmariñas Police ang suspek na nahulihan ng 2.40 gramo ng shabu na may halagang P16,320. Siya ay nahaharap sa mga kasong murder, at paglabag sa Comelec gun ban (RA 7166) at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with