^

PSN Opinyon

VP Sara pinahamak ni spox Harry Roque

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Tila pinahamak si VP Sara Duterte ni Harry Roque, spokesman ni ex-President Rody Duterte. Pinaskel kasi ni Roque sa Facebook page niya ang dalawa’t kalahating-oras na livestream video ni Sara nu’ng Nov. 23, 2024. Sa video nagbanta si Sara na ipapa-patay sina President Bongbong Marcos, First Lady Liza Araneta, at Speaker Martin Romualdez.

Sa FB page ni Roque kinuha ni NBI special agent John Mark Calilung ang ebidensya ng grave threats. Kinopya niya ito gamit ang Open Broadcaster Software. Humiling siya sa Meta ng opisyal na kopya. Hiniling din niya sa Meta na i-preserba ang video.

Tumestigo si Calilung sa impeachment trial ni Sara nu’ng July 7-8. Prinisenta ng Prosecution ang dalawang minutong bahagi ng video – ang pagbabanta ni Sara. Pinatotohanan ni Calilung na ‘yon nga ang nasa video. Nagkaroon ng solidong ebidensya laban kay Sara.

PNA File Photo

Sinikap ng Defense na sirain ang kredibilidad ni Calilung. Kesyo raw wala siya doon sa Zoom press conference na ni-livestream sa Facebook. Pero hindi tinanggap ng impeach­ment court ang isyu ng teknikalidad. Pinahalagahan ang bigat ng ebidensya. 

Matapos ang pagtestigo ni Calilung, nag-post muli si Roque na kesyo mali ang pinatawag ng Prosecution na testigo. Dapat siya raw ang pinatawag dahil sa FB page niya galing ang video.

Ayon sa batas, ang gumawa at nagpaskel ng video ang maari magpatunay dito. Pero ayon din sa batas, pwedeng im­bestigador ang magpatunay ng video kung wasto ang pag-kopya at pag-preserba nito.

Pero kung nais talaga tumestigo ni Roque, may tapang ba siyang umuwi sa Pilipinas? Umalis siya sa bansa nu’ng Sept. 2, 2024. Tinakbuhan niya ang kasong qualified human trafficking sa POGO gambling dens sa Bamban, Tarlac, at Porac, Pampanga. Walang piyansa sa sakdal na ‘yon. Habambuhay na kulong ang parusa.

Baka mga Duterte supporters pa ang magpakulong kay Roque.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with