VP Sara lumabas muna ng Pinas

MANILA, Philippines — Sa ika-8 araw ng impeachment trial, lumabas ng bansa si Vice Pres. Sara Duterte. Ito ay matapos na kumpirmahin ni Palace Press officer Atty. Claire Castro na inisyuhan ng ehekutibo ng travel authority ang Bise Presidente mula Hulyo 16-31, 2026.
Kabilang sa mga bansang pupuntahan ni VP Duterte ay ang Qatar, Germany, United Kingdom, Northern Ireland at Netherlands.
“Sa ngayon, ang pagkakaalam ko, she is in The Hague,” ani defense spokesperson Atty. Michael Poa.
Gayunman, sinabi ni Poa na inaasahang babalik agad sa Pilipinas si Duterte. Personal na dahilan ang nakasaad sa travel authority ng VP.
- Latest



















