Kahon ng tax records ni Sara ibabalik sa BIR
MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Impeachment court presiding officer Sen. Francis Escudero na ibalik ang selyadong box na naglalaman ng tax records ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ni Vice Pres. Sara Duterte at asawang si Maneses Carpio.
Nilinaw ni Escudero na hindi pa naglalabas ang korte ng isang lawful order o subpoena para puwersahin ang BIR na ibigay ang naturang highly confidential na dokumento sa Senado kahit pa dinala ito ng Kamara sa Senado upang gamiting ebidensiya sa impeachent court.
Sinabi rin ni Escudero na ang nasabing tax record ay hindi pa pormal na namamarkahan bilang ebidensiya ng prosecution panel.
Ngayong umaga, Hulyo 7 nakatakdang ibalik sa BIR ang kontrobersiyal na BIR box.
- Latest
















