^

Metro

Gang member, timbog sa pangingidnap ng paslit

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Gang member, timbog sa pangingidnap ng paslit
Ang suspek na kinilalang si alyas “Rod”, 39, at residente ng Maricaban, Pasay City ay ina­resto makaraang ituro na tumangay sa biktimang si alyas “Nene”, 4.
STAR / File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang lalaking miyembro ng notoryus na Sputnik Gang matapos umanong kidnapin ang isang 4-taong gulang na batang babae sa Malate, Maynila.

Ang suspek na kinilalang si alyas “Rod”, 39, at residente ng Maricaban, Pasay City ay ina­resto makaraang ituro na tumangay sa biktimang si alyas “Nene”, 4.

Batay sa ulat ng Malate Police Station 9 (PS-9) ng Manila Police District (MPD), nabatid na naganap ang insidente dakong alas-12:45 ng tanghali ng Hunyo 22 sa Adriatico St. sa Malate, Maynila.

Nauna rito, patungo umano ang mga magulang ng paslit sa isang kainan sa naturang lugar nang magpaalam ang biktima na magtutungo sa bahay ng kanyang lola ngunit hindi na nila ito natagpuan pa. Kaagad namang nagtungo ang mga magulang ng bata sa Barangay 701 at ini-report ang insidente.

Sa isinagawang backtracking sa CCTV footage sa lugar, nakita ang biktima na nilapitan ng isang lalaki, kalaunan ay nakilalang si Rod. Nakitang magkasamang naglalakad patungo sa Taft Ave­nue.

Pagsapit naman ng alas-11:30 ng gabi ng Hunyo 22 rin, nabatid na kinuyog ng mga residente ang suspek at binitbit sa barangay habang alas-11:40 ng gabi nang matunton nila ang biktima sa Brgy. Tambo, Parañaque City, sa tulong ng social media.

Kaagad namang iti­nurn over ang biktima sa mga awtoridad at pagsapit ng alas-2:00 ng madaling araw ng Hunyo 23 ay naisauli siya sa kanyang mga magulang.

Nakapiit na ang suspek at mahaharap sa kasong kidnapping sa piskalya.

ARESTADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with