^

Metro

10-11 kawani ng Ateneo kakasuhan – PNP

Doris Franche-Borja, Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
10-11 kawani ng Ateneo kakasuhan – PNP
Combination photo shows incoming rookie Rene Baterbonia and Nigerian student-athlete Divine Adili of the Ateneo Blue Eagles.
Rene Baterbonia via Facebook, UAAP

Sa pagkamatay nina Baterbonia, Adili

MANILA, Philippines — Aabot sa 10 hanggang 11 empleyado ng Ate­neo de Manila University (ADMU) ang kakasuhan kaugnay ng pagkamatay ng mga student athletes na sina Rene Baterbonia at Divine Adili sa isang team building activity sa Dipaculao, Aurora.

Ayon kay PNP Chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., patuloy na sinusuri ng mga imbestigador kung may pananagutang kriminal ang mga sangkot, kabilang ang posibleng negligence o paglabag sa Anti-Hazing Law.

Sinabi ng PNP chief na nakumpleto na ang kanilang imbestigasyon at ihahain nila ang mga resulta nito sa piskalya para sa kaukulang aksyon.

Nauna nang nagsagawa ng imbestigasyon ang Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) upang alamin kung may naganap na homicide o paglabag sa Anti-Hazing Law kaugnay ng insidente.

Samantala, inaasahang matatapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Biyernes ang imbestigasyon sa pagkamatay nina Baterbonia at Adili.

Karamihan sa mga ipinatawag ng ahensya ay nakapagbigay na ng kanilang mga pahayag, kabilang sina dating Head Coach Tab Baldwin, mga assistant coach, ­manlalaro, at alumni ng koponan.

Noong Miyerkules, nagsumite rin ng kanilang mga sinumpaang salaysay ang dalawang student manager at dalawang utility worker. Gayunman, tumanggi silang magbigay ng pahayag sa media.

DIVINE ADILI

RENE BATERBONIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with