^

PSN Showbiz

Inigo, sa Pinas na ulit maglalagi

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Inigo, sa Pinas na ulit maglalagi
Inigo Pascual
STAR / File

Kababalik pa lamang ni Inigo Pascual sa Pilipinas mula sa paggawa ng mga proyekto sa Hollywood.

Ngayon ay abala nang muli ang actor-singer sa kabi-kabilang proyekto sa bansa. “I’m happy I’m glad to be back here in the Philippines for good. It’s been quite some time since I was able to stay here nang matagal. I’m happy because I was able to work on this movie. At the same time, I’m working on my serye and making music again. I’m very happy about that,” bungad ni Inigo sa ABS-CBN News.

Mapapanood na simula June 24 sa mga sinehan ang Drags to Riches na pinagbibidahan nina Christian Bables, Elijah Canlas at Inigo. Aminadong nakaramdam ng takot si Inigo sa paggawa ng isang proyekto na komedya ang tema.

Nag-usap at nagkasundo pa umano ang mga bida ng naturang comedy film bago ito tuluyang gawin. “To be honest, it was my castmates. Anything that’s comedy, I get kind of scared accepting because I don’t know kung kaya ko siya. Pero ‘yung castmates na kasama ko dito, first Christian then Elijah. Noong ino-offer sa ‘min ‘tong pelikula na ‘to, nag-usap kami. Sabi namin, ‘Bro, if tatanggapin mo, tatanggapin ko.’ So parehas kaming, ‘Oh tara, game!’” kwento ng binata.

Kamakailan ay nailunsad na ang pinakabagong single ni Inigo na may titulong Ikaw at Ikaw. Ngayon ay pinaghahandaan na ng actor-singer ang isang bagong album para sa Star Music. “I’ve done a bar show just a few weeks ago. I did my launch for Ikaw at Ikaw. My single came out two weeks ago. We’re working on my music video right now. It’s a full album. So I’m going to have 13 songs for this album. We’re still fixing all the other songs. Abangan nila kung may mga makaka-collab ako,” pagbabahagi ng aktor.

John at Priscilla, ok na ulit ang relasyon

Kahit matagal nang hiwalay ay may komunikasyon pa rin sa pagitan nina Priscilla Meirelles at John Estrada para sa kanilang anak na si Anechka. Ayon sa aktor ay mahalagang nakikita ng supling na maayos ang kanilang turingan bilang mga magulang. “It’s all about open communication. Just be honest with one another and respect is really important. You sort out the differences. We communicate. We have an open communication. Wala namang problema doon. If I want to talk to her about our daughter, hindi naman ako nahihirapan. Gano’n din naman siya. Sometimes you have to set aside your differences for the well-being of your daughter. So ‘yon ang ginagawa namin ni Priscilla,” makahulugang pahayag ni John.

Lubos ang pasasalamat ng aktor kay Priscilla dahil nanumbalik ang kanilang pagiging magkaibigan para sa anak. Labing-apat na taong gulang na ngayon si Anechka. “I thank her for giving me that. Open communication, ‘yung hindi siya nanghaharang. Madali para sa kanya to talk about our daughter. I thank her for that. For not giving me a hard time. We’re friends. I’m happy that we talk and our co-parenting to our child is really good,” paglalahad ng aktor.

(Reports from JCC)

INIGO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with