^

PSN Palaro

Lingolingo isinalba ang Red Warriors

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Lingolingo isinalba ang Red Warriors
UE's Wello Lingoling (7).
STAR / Russell Palma

MANILA, Philippines — Isinalba ni Wello Lingolingo ang University of the East matapos magtala ng game-winning points upang payukuin ang A­damson University, 63-62 sa UAAP Season 87 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City kahapon.

Paubos na ang oras, sinigurado ni Lingolingo na mahahablot ang offensive rebound mula sa mintis ni Nico Mulingtapang.

At saka buong tapang na sinalpak ni Lingolingo ang pabandang tira, sakto ubos ang oras kaya na­selyuhan ng Red Warriors ang matamis na panalo.

“Sinasabi ni coach Jack (Santiago) na hindi dapat hinahanap ‘yung laro, ha­yaan mo ‘yung laro ‘yung pupunta sayo. ‘Yun lang yung ginagawa ko wala akong tinitake na forced shot. ‘Yung game-winning shot hindi ko talaga ini­-­expect, parang nandoon lang talaga ako tapos na-make ko lang salamat kay God,” ani Lingolingo.

Nirehistro ni Lingolingo ang 10 points mula sa 3-of-5 shooting, kasama ang limang rebounds at tatlong steals para sa UE na pinahaba ang kanilang winning streak sa lima kaya naman tangan nila ang kartang 5-2 at lumakas ang kapit sa magic four.

“Yung nakita ko yung oras, hindi ako nag-dala­wang isip. Luckily, pumasok yung shot,” dagdag ni Lingolingo.

Dalawang beses lang lumamang ang Red Warriors una sa 53-52 advantage may 7:53 minuto pa sa fourth frame mula sa three-pointer ni Lingolingo, pangalawa ay ang game-winner.

Si Nigerian center Precious Momowei ang namuno sa opensa para sa Red Warriors na tumikada ng 14 markers, 11 rebounds, tatlong steals at isang block.

Laglag ang Falcons sa 3-4 baraha.

 

vuukle comment

UAAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with