^

PSN Showbiz

Juancho hindi sinundan si Padre Salvi, regal tuloy ang partnership sa Kapuso

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Juancho hindi sinundan si Padre Salvi, regal tuloy ang partnership sa Kapuso
Juancho Triviño at Arra San Agustin

Mas gustong tutukan ng Kapuso actor na si Juancho Triviño ang kanyang pamilya.

Ito ang rason kaya naman hinay-hinay lang siya sa trabaho.

Katwiran niya, plano nila ng misis niyang si Joyce Pring na masanay ang dalawang anak na makisalamuha sa ibang kultura.

“Being the head of our family, sila ang inuuna ko. Tapos na tayo sa pagiging binata, e. But I can still be with my friends, pero family comes first. I love being with my wife and kids,” sabi ni Juancho sa ginanap na presscon ng Regal Studio Presents na naka-tatlong taon na pala ang partnership sa GMA 7.

Recently nga ay nagbakasyon ang buong pamilya nila sa Australia.

Maraming umasang bubulusok ang career niya pagkatapos gampanan ang papel na Padre Salvi sa Maria Clara At Ibarra, pero biglang kambyo ito. “Kung ano i-offer ng network sa atin, buong puso kong tatanggapin. Trabaho pa rin iyon. Hindi lang kasi ako umaarte, I also do hosting jobs paminsan-minsan. Basta may work, doon tayo,” katwiran naman niya.

Anyway, kasama nga si Juancho sa selebrasyon ng Regal Studio Presents na may anniversary episodes ngayong buong buwan ng Oktubre.

Pinaghandaan nila ang third-anniversary special kung saan mapapanood ang ilang most promising actors ng Sparkle GMA Artist Center and Regal Entertainment, bilang mga bida sa mga kuwento ng buhay, pagmamahal at pamilya.

Uumpisahan ang celebration ng episode na Stuck on You, a quirky romantic comedy that reunites exes Ellen (Faith Da Silva) and Omar (Jon Lucas) sa pamamagitan ng isang serye ng mga misadventure. After an argument about a stranger that leads to a magical curse, they find themselves stuck together until they can settle their unresolved feelings. Pipiliin ba nilang ma-stuck together by choice once the curse is lifted?

Susundan naman ito ng My Crazy Yandao, featuring Jasmine (Elijah Alejo) and Shaun (Raynold Tan), tungkol sa Singaporean guy na naniwalang si Jasmine ang nakilala niya online. Dahil sa nasabing misunderstanding, magkakaroon sila ng special connection habang magkasama sila sa probinsya.

Tiyak na aabangan din ang The Heartbreak Shop, isang unique story introducing Tintin (Kazel Kinouchi), a frequent visitor at a café designed to help people vent their heartaches. At nang makilala niya ang café’s owner na si Epoy (Prince Clemente), nagkaroon sila ng unexpected connection, and Tintin takes it upon herself to save the business—but her plans take a twist, testing her heart and how she views relationships.

Sa Pawfect Match, nagdesisyon  si Mia (Althea Ablan) na mag-adopt ng dog from an animal shelter upang kahit paano ay makalimutan ang recent breakup niya. At dun niya makikilala si Alex (Will Ashley),  the volunteer tasked to help her, leading to a pawfect match story.

Isa pang pwedeng abangang episode ang Remboy Dreamboy, na nakasentro kay Sheyn (Roxie Smith), a young woman who finds hope and joy in her daily interactions with Remboy (Prince Carlos), a delivery rider. Habang lumalalim ang kanilang koneksyon, nadiskubre nila in love na pala sila sa isa’t isa sa hindi inaasahang pagkakataon.

Para kumpletuhin ang kanilang line-up, nag­handa rin sila ng iba pa na mapanonood tuwing Linggo ng hapon.

Mula sa kuwento ng isang daughter who unfortunately lost both of her parents and ends up inheriting her family’s lechon business, bannered by Mikee Quintos, to a Romantic-Comedy episode about an angel who got her wings clipped through ‘Angel on My Shoulder’ headlined by Ashley Ortega and Rob Gomez. Viewers should not miss I Remember You, starring Arra San Agustin as Marby, a teacher looking for “the one” after being catfished in a long-distance relationship. While tutoring, she meets Kyle (Juancho Trivino), her student’s father and the real owner of the face used by her ex-boyfriend.

Umpisa nung 2021, nagbibigay na ang Regal Studio Presents ng inspiring and uplifting stories to Kapuso viewers every Sunday afternoon. At ang matagumpay nilang partnership ang naging daan upang makilala ang mga young and rising stars na ipakita ang husay nila sa pagganap.

Ang Regal ay pinamumunuan ngayon ng mag-inang Roselle at Keith Monteverde matapos pumanaw ang Regal matriach Mother Lily Monteverde.

Napapanood ang Regal Studio Presents every Sunday at 4:15 p.m. sa GMA Network.

vuukle comment

ACTOR

JUANCHO TRIVIñO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with