^

PSN Palaro

Meralco sinibak ng Ginebra

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Meralco sinibak ng Ginebra
Kinalaban ni Ginebra import Justin Brownlee sina Meralco big men Brandon Bates at Cliff Hodge sa Game 3.
PBA Image

MANILA, Philippines — Ibinuhos na ni import Allen Durham ang lahat para sa Meralco.

Ngunit hindi pa rin ito sapat.

Bumangon ang Ginebra Gin Kings mula sa 12-point deficit sa third period para sibakin ang Bolts, 113-106, sa Game Three ng PBA Season 49 Governors’ Cup quarterfinals series kahapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Kinumpleto ng Ginebra ang 3-0 sweep sa kanilang best-of-five duel papasok sa best-of-seven semifinals series katapat ang mananalo sa duwelo ng San Miguel at Converge.

“I am totally shocked that we were able to beat them in three straight games,” ani two-time PBA Grand Slam champion coach Tim Cone sa pagwalis ng Gin Kings sa Bolts.

Bumira si import Justin Brownlee ng 23 points habang may 19, tig-17 at 16 markers sina Japeth Aguilar, Maverick Ahanmisi, rookie RJ Abarrientos at Scottie Thompson, ayon sa pagkakasunod.

“It was a total team effort. It’s gonna take a total team effort in the next series, and I’m just so proud of my guys,” ani Stephen Holt na naglista ng 19 points, 7 rebounds at 5 assists.

Iniskor ni Durham ang 18 sa kanyang 38 points sa first half para ibigay sa Meralco ang 56-47 halftime lead na pinalobo nila sa 78-66 sa huling 4:35 minuto ng third period.

Naghulog ang Ginebra ng isang 18-9 bomba sa likod nina Brownlee, A­hanmisi, Holt at Abarrientos para makatabla sa 92-92 sa 7:29 minuto ng fourth quarter.

Huling napasakamay ng Bolts ang kalamangan sa 94-92 galing sa three-point shot ni Bong Quinto sa 6:33 minuto ng laro.

Ang 3-point play ni Abarrientos kay 6-foot-8 center Brandon Bates ang nagbigay sa Ginebra ng 97-94 abante patungo sa 109-102 bentahe sa huling 28 segundo.

Inilapit ni Anjo Caram ang Meralco sa 106-109 mula sa kanyang four-point shot sa natitirang 22.2 segundo.

Tuluyan nang sinelyuhan nina Holt at Ahanmisi ang panalo ng Gin Kings mula sa kanilang apat na magkadikit na free throws.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with