Raymond, sasabak sa SONA!

Certified Bilyonaryo na si Raymond Gutierrez.
Kahapon ay pumirma siya ng kontrata sa nasabing TV network para sa programang Agenda.
Well, may nagsasabing kapalit siya ni Matteo Guidicelli pero walang banggit sa pangalan ni Matteo kahapon.
Basta excited aniya siya sa kanyang pagbabalik sa TV.
Matagal din si Raymond namahinga sa TV, nag-focus siya sa kanyang fashion career.
Anyway, nagsimula na siya actually sa Agenda last June pa pero kahapon lang na-formalize ang kontrata niya sa nasabing network.
Si Mond ang bagong anchor ng entertainment and lifestyle segment of Agenda: “Na-miss ko ‘yung local audiences natin. I liked the idea of being in Bilyonaryo News Channel because this network is not just about entertainment or hard news, it’s an intersection of business, culture, lifestyle and approaches a lot of different of topics that I’m also very interested in,” sabi ni Mond na for the first time ay magco-cover ng State Of The Nation Address na first time niyang gagawin.
At if ever na magkaroon siya ng chance na makausap si Pres. Bongbong Marcos, nakahanda na ang mga tanong niya. Like “who are you wearing.” At kung paano siya nagpi-prepare sa mga commitment niya everyday.
Hindi niya aniya magtatanong ng tungkol sa pulitika.
Kakagaling lang ni Mond sa Paris Fashion Week for Men’s Wear. At naramdaman daw talaga niya ang heat wave sa Europe.
Pero nakaya niya for 10 days.
Kabilang si Raymond sa iilang Pinoy celebrities na nai-invite ng mga luxury brand sa Paris Fashion Week. Kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa mga brand na nakaka-collab niya.
Pero sa bansa naman talaga aniya siya nakabase lalo na ngayong may regular show na ulit siya. “I lived in the US noong pandemic. Pero ngayon, I’m fully back. I’m based in Manila. A lot of my work, kasi, brings me to a lot of places in the world. So, ‘yun mga projects ko na social media, for brands, and other hosting commitments. Pero I am based in Manila, and with this new opportunity, mas lalong I will be based here.”
Wala rin naman daw problema sa lovelife niya dahil most of the time, ang karelasyon niya ang pumunta sa bansa.
- Latest




















