^

Pang Movies

Bea at Vincent, nambulaga!

RATED A - Aster Amoyo - Pang-masa

Ang buong akala ng marami ay tuluyan nang nagkahiwalay ang magkasintahang Bea Alonzo at business tycoon na si Vincent Co matapos hindi matuloy ang kanilang napabalitang wedding ceremony sa Spain last May.

Nahaluan man ng matinding kontrobersiya ang relasyon at pinag-usapang cancelled wedding in Spain, lalupa’t ito’y nahaluan ng kontrobersiya na may kinalaman diumano sa pre-nup agreement ng dalawa.

Walang nagsalita sa kampo ni Bea laluna sa side ni Vincent at hinayaan na lamang nilang dalawa na kusang mamatay ang isyung ipinupukol sa kanila.

Nariyan din ang mga naglabasang balita na hindi umano pabor ang pamilya ni Vincent kay Bea kaya naging mahigpit umano ang parents ng negosyante sa naliliman ng provisions ng pre-nup agreement.

Unti-unting humupa ang usaping Bea at Vincent cancelled wedding in Spain.  At walang statement na ipinalabas ang dalawang partido kung matutuloy pa ba o hindi ang kanilang kasal.

Ang hindi alam ng publiko ay walang hiwalayang naganap sa pagitan ng dalawang prominent personalities pero nag-isip sila ng isang paraan na mabubulaga na lamang ang lahat at kasama na rito ang kanilang respective families and friends.

Nung gabi ng July 13, 2026 ay sikretong ikinasal sina Bea at Vincent sa isang civil wedding rites officiated by Mayor Nancy Binay ng Makati City sa kanyang tanggapan sa Makati City Hall with only one companion or witness na kasama ng couple.

Parehong aware sina Bea at Vincent na magiging mala-circus kung sila’y magpapakasal sa isang simbahan sa Pilipinas kaya plinano nilang magpakasal sa Spain, isang lugar na parehong malapit sa kanila.

Si Vincent ang tumatayong presidente ng Puregold Price Club, Inc., isa sa pinakamalaking chain of supermarkets with over 600 branches nationwide. Bukod dito ay involved din siya sa iba pang mga negosyo ng kanyang pamilya founded by his parents, ang business tycoons na sina Lucio and Susan Co.

Isa namang self-made woman si Bea sa showbiz industry at isa ring matagumpay na entrepreneur at mga pag-aaring properties in Zambales, Madrid, Spain at iba pang lugar.

BEA ALONZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with