^

Pang Movies

Aga at Vilma, pinuri sa shocking na ginawa

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa
Aga at Vilma, pinuri sa shocking na ginawa
Aga Muhlach

Shocking, daring, surprising ang role nina Vilma Santos and Aga Muhlach sa pelikulang Uninvited. Pati rin naman actually si Nadine Lustre.

Wow. Hindi mo akalaing magagawa ‘yun ni Ate Vi, o ganun kagaling si Aga sa kanyang role bilang isang taong powerful pero ubod ng sama.

At sa ngalan ng paghihiganti, ibang ate Vi ang napanood namin kahapon.

Ang huhusay rin ng mga suporta sa pelikula like Tirso Cruz III, Mylene Dizon, Ron Angeles, RK Bagatsing, Pocholo Barretto, Gio Alvarez.

Directed by Dan Villegas, isa ito sa sampung entries sa ginaganap na Metro Manila Film Festival na nag-umpisa kahapon.

Nang maganap ang 55th birthday ni Gully Vega (Aga) napaligiran siya ng kanyang asawang nagtitiis dahil sa pera (Mylene Dizon) at ang anak na tanggap na ang kalokohan ng ama (Nadine Lustre) kasama ang kanyang alipores (RK Bagatsing, Pocholo Barretto, at Gio Alvarez).

Pero sa isang lugar na madilim ay andun si Eva (Vilma Santos) na may madilim din na misyon habang nagkakatuwaan ang lahat.

Mula sa simula hanggang sa pagtatapos ng Uninvited, mati-tense ka sa mga eksena.

Hindi mo alam kung anong susunod sa misyon ni Eva.

Balance ang storyline at mahusay ang pagkakadirek ni Dan Villegas mula sa Mentorque.

Malakas ang laban sa takilya at sa gaganaping Gabi ng Parangal bukas ng gabi.

Anyway, maulan kahapon ang pag-uumpisa ng MMFF pero marami pa ring nagsuguran sa mga sinehan.

LT, hindi na nag-steroids

Kahit pre-diabetic pa lang, meron na ring medication si Lorna Tolentino. Bukod pa sa iniinom niya itong gamot para sa thyroid na reseta sa kanya ng doctor na si Roland Angeles. “Siya po ang gumagamot sa akin, ‘yung weight loss, kay Carla Abellana, lahat ng may hypothyroidism,” sabi ni Ms. LT sa amin.

Pero hindi raw niya alam kung ilan na ang nabawas niyang weight.

Bukod dun, hindi na raw siya nag-i-steroids kaya hindi parang maga ang kanyang mukha. May time nu’n na parang namamaga talaga ang face niya.

“Kasi hindi na ako nag-steroids. Kasi ‘di ba nagkaroon ako ng asthma.”

Pero may maintenance pala siya sa puso, dalawa.

“Dalawa sa heart…”

Sa sobrang tibok ba ‘yun ng puso niya dahil kay Senator Lito Lapid kahit na sinasabing hanggang ‘loveteam’ lang naman talaga sila?

Basta sobrang tibok daw kasi ng puso niya na dinaraan niya lang sa biro.

Inulit lang niya na it’s a must aniya sa mga action star like Sen. Lito na gawin siyang reyna kaya ganun na lang ang pag-aasikaso sa kanya ng aktor / senador.

Anyway, busy ang Pasko ni Ms. LT dahil sa pelikulang Espantaho.

MTRCB, nanawagan sa moviegoers

Mariing hinikayat ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang pamilyang Pilipino na suportahan at tangkilikin ang 10 pelikula sa 2024 Metro Manila Film Festival (MMFF) na nag-umpisa kahapon, Christmas day.

Binigyang-diin ng Board ang malaking ambag ng mga lokal na pelikula pagda­ting sa pagpapakita ng kultura at pagiging malikhain ng mga Pilipino.

Ayon kay MTRCB Chairperson and CEO Lala Sotto-Antonio, malaki ang partisipasyon ng MMFF bilang plataporma para sa mga direktor, producer, aktor at iba pang kasali sa industriya ng pelikula.

“Hindi lang isang taunang pista ng pelikulang Pilipino ang MMFF kundi isa rin itong selebrasyon ng mayamang kultura at pagkamalikhain natin bilang isang lipi,” sabi Chair Lala. “Ang pagsuporta natin sa mga lokal na pelikula ay malaking tulong upang mas lumago pa ang industriya ng pelikula sa bansa.”

Ang MMFF ngayong taon ay sumasalamin sa iba’t ibang tema at naratibo na pasok sa lahat ng klase ng manonood. Pito rito ay swak para sa pamilyang Pilipino, habang ang nalalabi ay para sa mga may edad na.

Muling pinaalala ni Chair Lala ang mahalagang papel na gagampanan ng mga magulang at guardians para sa res­ponsableng panonood ng mga bata. “Ating tiniyak na ang 10 pelikula na kasali sa MMFF ay nabigyan ng angkop na klasipikasyon. Pero ang res­ponsibilidad para tama ang panonoorin ng mga bata ay nakasalalay sa gabay ng mga magulang at nakakatanda,” dagdag niya.

Hysteria, nanalo sa Singapore

Wagi ang ABS-CBN sa kauna-unahang Asia TV Forum & Market (ATF) Expo Horror Content Pitch para sa isinulat nitong horror film na Hysteria.

Sa ginanap na 2024 ATF Expo sa Singapore, nangu­na ang Hysteria na isinulat ng premyadong Pinoy screenwriter na si Jaymar Santos Castro, katapat ang mga kwentong ibinida ng mga kalahok mula Indonesia, Malaysia, at Singapore.

Sa pagkapanalo nito, makakatanggap ang ABS-CBN International Productions ng development and distribution package mula sa premyadong Asian studio na EST x N8 para maisagawa ang global production ng pelikula.

Aniya pa sa Show Daily magazine ng ATF, ang Hysteria umano ang may “strongest potential to excite and strike tension in the Asian market.”

Ang kwento ng Hysteria ay tungkol sa hindi mapigil na pagsanib ng mga espiritu sa mga residente ng isang barrio na kalaunan nadiskubre ng isang paring naghahanap ng kasagutan sa mga pangyayari na may kinalaman din sa kanyang malagim na nakaraan.

Naisulat ito sa kauna-unahang Hollywood Bootcamp project ng ABS-CBN nitong taon kung saan sumailalim ang ilang piling Filipino creatives sa ilang masterclass sa paggawa ng mga world-class na programa na pinangunahan ng mga eksperto mula sa Hollywood.

Ibinida rin ng ABS-CBN ang mga offering nito sa ATF Expo, sa pangunguna nina International Productions head Ruel S. Bayani at International Sales and Distribution head Pia Laurel.

Dito ipinamalas ang world-class studio services ng ABS-CBN Studios, global music production ng Star Music, pag-prodyus ng mga dekalibreng pelikula mula sa Star Cinema, talent management mula Star Magic, at iba pa.

Itinampok sa expo ang mga ground-breaking milestone nito, gaya ng tagumpay ng BINI sa kanilang sold-out concerts at international awards, pati ang all-time box-office record ng Hello, Love, Again.

AGA MUHLACH

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with