^

PSN Palaro

Solong liderato inupuan ng Fighting Maroons

Pilipino Star Ngayon
Solong liderato inupuan ng Fighting Maroons
Iniwanan ni Chicco Briones ng UP ang UE defen­ders para sa kanyang layup.
UAAP Media Bureau

MANILA, Philippines — Humugot ng lakas ang Univeristy of the Philippines sa second half upang kalusin ang University of the East, 91-81 kagabi sa UAAP Season 89 collegiate men’s basketball tournament na nilaro sa UST Quadricentennial sa España, Manila.

Nakaligtas sa muntikang pagkatalo ang Figh­ting Maroons dahil sa mainit na laro ng Red Warriors sa first half kung saan ay naghabol sila ng tatlong puntos, 45-48 sa halftime.

Dahil sa panalo ng Fighting Maroons nasolo nila ang top spot ng team standings tangan ang 5-2 record, habang magkasalo sa No. 2 ang Far Eastern University Tamaraws at National University Bulldogs na may tig-4-2 baraha.

“Actually naunahan ka­mi ng UE in a way. That’s one test for the team, coming from behind, pla­ying tough defense para makabalik sa game. Along the way siyempre kaila­ngan namin matuto to start strong. I guess as we go along sa season, we’ll learn to do those,” sabi ni UP head coach Goldwin Monteverde.

Bumira si James Pa­yosing ng impresibong double-double na 16 points at 12 rebounds para sa UP na na tinarak ang three-game winning streak.

Nanatiling nasa ilalim ang Red Warriors na wala pang panalo sa pitong laro.

Bumakas naman si Chicco Briones ng 13 points mula sa perfect 3-of-3 sa shooting para sa UP habang tig-12 at 11 ang binakas nina Gani Stevens at Veejay Pre, ayon sa pag­kakasunod.

Pinamunuan naman ni Toper Lagat ang opensa para sa Red Warriors sa tinikadang  26 markers.

Samantala, hinablot ng Univeristy of Sto. Tomas  ang No. 4 spot sa team standings matapos nilang lapain ang Ateneo de Manila University, 80-68.

Nirehistro ng Growling Tigers ang 4-3 karta matapos ang mabangis na laro nila sa third canto.

Naging mahigpittan ang laban sa unang dalawang period kung saan ay dalawang puntos lang ang lamang ng Growling Tigers, 34-32 sa halftime.

Nalasap ng Blue Eagls ang pang-apat na talo sa pitong salang.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with