Ika-3 dikit puntirya ng Fighting Maroons kontra Red Warriors

MANILA, Philippines — Puntirya ng University of the Philippines na ikahon ang pangatlong sunod na panalo pagharap nila sa University of the East sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament sa UST Quadricentennial Pavilion sa Espana, Manila.
Muling ipaparada ng Fighting Maroons sina Veejay Pre, Noy Remogat at Dikachi Ududo upang ikadena ang three-game winning streak at masolo ang liderato.
Magtutuos ang UP at UE ngayong alas-2:30 ng hapon kasunod ang labanan sa pagitan ng University of Sto. Tomas at Ateneo sa alas-5:30 ng hapon.
Kasalukuyang nakikisiksik ang UP sa National University at Far Easter University sa top spot tangan ang parehong 4-2 baraha.
Sina Pre, Remogat at Ududo ang mga naging susi ng Fighting Maroons nang masilo ang 69-67 panalo kontra Adamson Soaring Falcons noong Miyerkules.
Maganda ang inilaro ng UP sa huli nilang laban pero para kay assistant coach Christian Luanzon ay nakukulangan pa siya sa kanilang team.
“If there’s one thing we have yet to see from our team, it’s being focused on all four quarters,” sabi ni Luanzon.
Pero tiyak na mapapalaban ang Fighting Maroons dahil uhaw sa panalo ang Red Warriors na nasa ilalim ng team standings.
Samantala, sasandalan ng Growling Tigeres ang homecourt advantage upang kunin ang pangalawang sunod na panalo at manatiling nakakapit sa Magic 4. (
- Latest





















