^

PSN Opinyon

Tatlong pangulo at si Mary Jane Veloso

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa wakas, ganap nang malaya si Mary Jane Veloso.

Nagsimula ang kanyang trahedya noong 2010 nang siya ay arestuhin sa Indonesia matapos matagpuan sa kanyang maleta ang 2.6 kilo ng heroin. Iginiit niyang naloko siya ng kanyang recruiter at hindi niya alam na may droga sa maleta. Hinatulan siyang bitayin.

Noong 2015, habang nakatakda na siyang i-execute, aktibong nakipag-usap si Pangulong Benigno Aquino III kay Indonesian President Joko Widodo at hiniling na huwag ituloy ang execution. Ani ni PNoy, nahuli na ang mga illegal recruiter ni Mary Jane at maaari siyang tumestigo laban sa kanila. Pumayag ang Indonesia. Naisalba ni PNoy ang buhay ni Mary Jane.

Noong termino ni Rodrigo Duterte, nagbago ang tindig ng ating pamahalaan. Sinabi niyang hindi siya makikialam sa proseso ng Indonesia. Ayon sa mga ulat, sinabi mismo ni Indonesian President Widodo na binigyan siya ng permiso ni Duterte na ituloy ang pagbitay kay Mary Jane.

Noong naging pangulo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. noong 2022, muling binuhay ng kanyang administrasyon ang diplomatic efforts para maiuwi si Mary Jane sa ating bansa. Noong 2024, nagkasundo ang Pilipinas at Indonesia na ilipat ang jail custody ni Mary Jane sa ating bansa.

Nitong Setyembre 24, 2026, nilagdaan ni Marcos Jr. ang absolute pardon kay Mary Jane. Dahil dito, naibalik ang buong kalayaan ni Mary Jane.

Tatlong pangulo. Isang buhay na nasa bingit ng kamatayan.

Si PNoy, umapela para sa buhay ni Mary Jane. Dahil sa kanyang aksyon, nasagip ang buhay ng ating kababayan.

Si BBM, matagumpay na napauwi si Mary Jane. At dahil sa ipinagkaloob niyang absolute pardon, sa wakas, malaya na siya.

Eh, si Digong? Walang ginawa para kay Mary Jane. Nagbigay pa ng permiso para ituloy ang kanyang pagbitay.

Huwag natin kalimutan ito. Tandaan kung sino ang mga tunay na nagmalasakit at nagpabaya.

Pero ngayon, tayo ay magdiwang para sa ating kababayang hindi makatarungang nakulong ng 16 na taon. Malaya na si Mary Jane Veloso. At sa wakas, makakauwi na siya sa kanyang pamilya.

MARY JANE VELOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with