^

Bansa

Zubiri, Cayetano muntik magsuntukan sa Senado

Malou Escudero, Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muntik nang magsuntukan matapos magkainitan kamakalawa ng gabi sina Sen. Juan Miguel Zubiri at Sen. Alan Peter Cayetano sa plenaryo ng Senado.

Nag-ugat ang away nina Cayetano at Zubiri dahil sa inihaing resolusyon ni Cayetano dahil sa Concurrent Resolution Number 23 tungkol sa 10 Enlisted Men’s Barrios (EMBO) barangay sa Taguig City na posibleng hindi makaboto ng gusto nilang congressman base sa desisyon ng Commission on Elections dahil hindi na sila bahagi ng Makati.

Dahil dito kaya kinuwestyun ni Zubiri ang ­Senate Concurrent Resolution No. 23 na isinusulong ni Cayetano dahil hindi naman ito kasama sa agenda ng plenaryo.

Sa kumakalat na vi­deo, makikitang nagkasigawan at nagkamurahan sina Zubiri at Cayetano.

Upang hindi magpang-abot, inawat ang dalawa nina Sen. JV Ejercito at Pia Cayetano habang nakabantay sa gilid si Senate Sergeant-at-arms retired Lt. Gen. Roberto Ancan.

Sinabi ni Zubiri na naiintindihan niya na mahalaga ang nasabing resolusyon upang matiyak na makakaboto ang mga mamamayan ng 10 EMBO barangays na dating bahagi ng Makati City pero nalipat sa Taguig dahil sa Supreme Court ruling.

Sinabi ni Zubiri na maaari nilang ipasa ang resolusyon sa susunod na araw na huling araw ng sesyon bago magba­kasyon ang mga mambabatas

Ayon kay Cayetano, wala namang epekto ang reaolusyon niya sa anumang batas dahil nagpapahayag lamang ito ng sentimiyento ng Kamara at Senado tungkol sa posibilidad na hindi makaboto ang mga mamamayan sa 10 EMBO.

Inamin ni Cayetano na lumapit siya kay Zubiri upang makuha ang suporta nito na ipasa na ang resolusyon dahil kung paaabutin pa ito ng Miyerkules o sa huling araw ng sesyon ay baka magka-aberya sakaling biglang bumagyo at umulan.

Sa huli ay nagkasundo rin sina Zubiri at Cayetano at naipasa ang ­resolusyon.

Sa ambush interview sa Malakanyang, sinabi naman ni Senate President Chiz Escudero na wala siyang nakikitang dahilan para disiplinahin sina Zubiri at Cayetano. Anya, tao rin lang sila kaya normal lang na minsan ay tumaas ang kanilang mga emosyon.

Paliwanag pa ni Escudero na may kanya-kanya silang mga opinyon at mga adbokasiya.

Ang mahalaga ay nagkaayos din ang dalawa at nagkapatawaran matapos ang naturang insidente.

SENADO.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with