^

PSN Palaro

3rd win tutuhugin ng Letran

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pakay ng Letran na sibatin ang pangatlong sunod na panalo sa pagharap nila sa Emilio Aguinaldo College sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na lalaruin sa FilOil Centre sa San Juan ngayong araw.

Malinis sa dalawang laro ang Knights kaya nasa tuktok sila ng team stan­dings sa Group B, kasalo nila ang Arellano University Chiefs habang ang makakatunggaling Generals ay bokya sa panalo sa dalawang salang.

Impresibo ang huling panalo na Letran dahil tinalo nila ng 37 points ang nakalaban na San Sebastian College, 99-32 noong Setyembre 18 matapos silang akbayan sa opensa nina Denzil Walker at Chad Gammad.

May pinagsamang 44 markers ang kinana nina Walker at Gammad nang dominahin nila ang Stags, kaya asahang muli silang sasandalan sa opensa ng Knights sa pagsisimula ng kanilang laban sa alas-5 ng hapon.

“I’m just doing my job. Whenever I see an ope­ning, I’ll be aggressive,” sabi ni Walker.

Para kay Letran head coach, Allen Ricardo ay kailangan pa ng Knights na palakasin pa ang kanilang laro dahil nakukulangan pa ito sa mga ipinakitang laro ng kanyang mga bataan.

“For me, I am not yet satisfied with how we performed even though we got this win,” paliwanag ni Ricardo. “Alam kong may mas mai-improve pa sila. Nandoon ‘yong effort.

Maghaharap naman sa alas-3 ng hapon ang two-peat seeking San Beda University at Lyceum of the Philippines.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with