^

PSN Palaro

All-Filipino

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Muntik na ako mawalan ng pag-asa.

Wala si Justin Brownlee at walang pamalit kaya all-Filipino sumabak ang Gilas Pilipinas kontra Jordan nung Biyernes sa MOA Arena.

Down by 18 points agad ang Gilas kaya lumayo muna ako sa TV at naghapunan.

Pero nadinig kong tumataas na ang boses ni Ninong Quinito Henson at nung bumalik ako sa pwesto, apat na lang ang lamang ng Jordan.

Wala nang tayuan hanggang mag-overtime at manalo tayo, 82-81.

Si Kai Sotto ang last-second hero nung palpalin niya ang tira ng kalaban. Mabigat din ang three-point shot ni Kevin Quiambao and ang mga salaksak ni CJ Perez.

Sila ang Big 3.

Wala pa sa bansa si Brownlee dahil nagpapalakas pa at wala din si Ange Kouame na nasa France.  Si Bennie Boatwright, dehins umabot ang Philippine passport.

Iran ang kalaban mamaya. Kailangan natin manalo para patibayin ang pag-asa natin sa FIBA World Cup Qualifiers.

Kaya ‘yan kahit wala si Brownlee, Kouame at Boatwright.

Basta nandyan si Kai.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with