^

PSN Palaro

Pirates nakaligtas sa Altas

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umeskapo ang Lyceum of the Philippines University sa University of Perpetual Help System DALTA, 64-62, sa NCAA Season 100 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

Kumonekta si Joshua Moralejo ng isang three-point shot sa huling 5.4 segundo ng fourth quarter para sa 63-62 abante ng Pirates patungo sa paglilista ng 4-4 record.

Kumamada si Renz Villegas ng 18 points, 5 rebounds, 3 assists at 7 steals para tapusin ang kanilang four-game losing slump.

Nahulog ang Altas sa kanilang ikalawang dikit na kabiguan para sa 4-4 baraha.

Ibinigay ni rookie Mark Gojo Cruz sa Perpetual ang 62-57 kalamangan sa huling 50.3 segundo ng laro bago nakadikit ang Lyceum sa 60-62 kasunod ang triple ni Moralejo na nagtaas sa kanila sa 63-62 sa nalalabing 5.4 segundo.

Sa unang laban, nag­lista si reigning MVP Clint Escamis ng 15 markers, 8 assists, 5 rebounds at 4 steals para tulungan ang Mapua University sa 77-71 paggiba sa Arellano University.

Umiskor din si Chris Hu­billa ng 15 points habang may 10 markers si Cy Cuenco para sa 6-2 baraha ng Cardinals tampok ang three-game winning streak.

Pinamunuan ni Lorenz Capulong ang Chiefs, lag­lag sa 2-6 marka, sa kanyang 19 points at may 18 markers si Renzo Abiera.

NCAA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with