Pangulong Marcos at First Lady, nag-‘day off’

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na opisyal na aktibidad, kabilang ang pagho-host ng Pilipinas sa 49th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit at ang pagdalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting sa China, naglaan ng dalawang araw na pahinga sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos nitong Linggo at Lunes.
Sa kanyang Facebook post nitong Lunes, sinabi ng Unang Ginang na nagpasya silang mag-asawa na pansamantalang umiwas sa mga gawain upang makapagpahinga at makapag-recharge.
“After a whirlwind of activities these past few weeks, we finally decided to take Sunday and Monday off to slow down, rest, and recharge,” ani Araneta-Marcos.
“No big plans, no fuss... just a little peace and quiet and some much-needed downtime together,” dagdag pa niya.
Ayon sa First Lady, lubos nilang ikinatutuwa ang pagkakataong magkaroon ng tahimik na oras para sa kanilang sarili matapos ang sunud-sunod na mga opisyal na tungkulin.
Nauna rito, pinangunahan ng Pilipinas ang pagho-host ng 49th ASEAN Summit and Related Summits mula Nobyembre 15 hanggang 17, kung saan nagtipon ang mga lider ng mga bansa sa rehiyon at mga dialogue partner ng ASEAN.
- Latest















