^

Probinsiya

20-anyos dalagang dalaw tiklo sa shabu

Cristina Go-Timbang - Pilipino Star Ngayon
20-anyos dalagang dalaw tiklo sa shabu
Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas “Joy,” 20 anyos, residente ng nasabing lungsod.
STAR/ File

GENERAL TRIAS CITY, Cavite, Philippines — Arestado ang isang 20-anyos na dalaga na dadalaw  sa nakakulong nitong kamag-anak matapos na makuhanan ng shabu na tinangkang ipasok sa piitan, kamakalawa, rito sa lungsod.

Kinilala ng pulisya ang suspek sa alyas “Joy,” 20 anyos, residente ng nasabing lungsod.

Base sa ulat, dumating ang suspek sa custodial facility ng Gen. Trias City Police Station dakong alas-4:30 ng hapon upang dumalaw sa kamag-anak nitong nakakulong.

Bago makapasok ang mga dalaw, dadaan sila sa ipinapatupad na protocol ng station na suriin ang mga dala nito bago makadalaw.

Habang sinisiyasat ng duty police ang dalang pagkain ng suspek, dito ka nakita ang isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Agad inaresto ang suspek at matapos ipa­alam ang ginawa nitong paglabag, diretso naman siya sa kulungan.

Narekober ang shabu na nakasiksik sa pagkaing dala nito na tumitimbang ng may 1.38 gramo at nagkakahalaga ng P9,384.00.

Ang nakumpiskang shabu ay dinala sa Provincial Forensic Unit sa Imus City para sa laboratory examination, habang inihahanda na ang mga kaukulang kaso laban sa suspek para sa inquest proceedings sa Office of the City Prosecutor.

ARESTADO

JOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with