Young actress, lumipat ng manager dahil sa komisyon!
Hinawakan pala ng isang talent manager ang young actress na malakas ang potential at talaga naman sumikat.
Nung hindi pa mabenta sa trabaho, hindi kalakihan ang komisyon ng manager. Eh sinuwerte kaya naging mabenta sa TV pelikula at endorsements.
Nilakihan ng manager ang komisyon. Pero inalmahan ng nanay dahil sobrang laki ng kinakaltas!
Tinapos lang ng nanay ang kontrata sa manager at lumayas na sa manager na swapang sa komisyon!
Lumipat siya sa isang manager na kumukuha rin ng komisyon pero hindi kasing laki ng una niyang manager!
Pera ang dahilan ng hiwalayan ng young actress at manager!
Martin, may ambag sa lyrics ng Christmas in Manila
Isang Italian Maestro si Alessio Benvenuti ang kasanib-puwersa ng Concert King na si Martin Nievera para sa Christmas single na Christmas in Manila.
May mga inayos na lyrics sa kanta si Martin upang mas madama ang saya ng Pasko sa kanta. In-adjust din niya ang kanta upang kapag may show siya sa probinsiya at sa ibang bansa eh napapalitan niya ang Manila.
Si Alessio ang concertmaster ng Manila Symphony Orchestra na nag-a-accompany kay Martin sa stage.
Naramdaman ni Alessio ang Pasko sa ating bansa at hatid ng okasyon sa mga Pinoy at dedicated ang kanta sa kanyang minamahal sa Italy at sa Pinas gaya ng mga anak na sina Leonardo at Angelo na ipinanganak sa Siquijor.
Tiyak na magigiging paborito itong Christmas song na laging tutugtugin tuwing Ber months.
Para sa maestro, sa pagpayag ni Martin upang maging boses ng Christmas in Manila ay isang unexpected honor at dream come true!
Maui, may message sa hot babe na may hanash
Nakarating din sa Viva Hot Babe na si Maui Taylor ang hanash ng isang VMX Hot Babe tungkol sa grupo nila.
Eh palibhasa nag-mature na at anak ang kanyang priority, hindi na bumuweltaa si Maui tungkol sa pangyayaring ito. “Magkasama kami sa Viva kaya iwasan nating magbanggaan tayo ng personal. Sa akin lang, paabutin nila ang grupo nila ng 20 years sa showbiz at saka sila magsalita.
“At least, ang Viva Hot Babe, gusto pa rin ng tao after 20 years!” rason ni Maui sa solo mediacon niya ng VMX feature na Pantaxa Laiya Uncut kung saan mapapanood ang mga bahagi ng movies na ginawa niya na hindi naipalabas!
Abangan din sa VMX ang My Hentai Girlfriend ni Ashley Lopez na iba naman putahe at mundo ayon sa director nitong si Bobby Bonifacio na masipag gumawa ng bagong kuwento ikamamangha ng viewers!
- Latest






















