^

Pang Movies

Janice, ipinagtanggol si Gelli?!

SOME LIKE IT HOT - Vinia Vivar - Pang-masa
Janice, ipinagtanggol si Gelli?!
Janice de Belen

Mukhang naki-join na rin si Janice de Belen sa issue nina Patrick Garcia at Jennylyn Mercado dahil sa cryptic post niya sa Instagram.

Nag-post ng isang quotation ang aktres na tumatalakay sa pagiging defensive ng isang tao. “One of the strongest signs of intelligence is the ability to consider another person’s perspective without becoming defensive,” saad ng quote.

“Curiosity reveals a sharp mind. It shows who is committed to understanding rather than winning,” patuloy pa nito.

Ipinapalagay ng marami na ipinost ito ni Janice bilang pasa­ring kay Dennis Trillo para ipagtanggol ang kanyang kapatid na si Geli de Belen na pinuputakti ng bashings ngayon dahil sa naging pahayag nito sa talk show na Chika Cart.

Sinita kasi ni Dennis si Gelli at feeling niya ay kinakampihan ng aktres si Patrick.

Well, kung patama man kay Dennis ang post ni Janice, mas hahangaan namin ang aktres kung diniretso na  niyang ipinahayag  ang pagtatanggol kay Geli at hindi dinaan sa cryptic message.

Rochelle, ginawang ulam ang kape noon

Marami ang hindi nakakaalam na bago naging successful actress at dancer, dumaan muna sa maraming pagsubok si Rochelle Pangilinan.

Sa kanyang panayam sa I-Listen ni Kara David, ibinahagi ng dating leader ng SexBomb Girls ang kanyang simpleng buhay noong teenager pa lamang siya at kung paano naging motivation ang kanilang kahirapan para magsumikap.

Noong edad 13 o 14, nagsimula nang sumali si Rochelle sa mga barangay dance competition. Hindi man niya itinuturing ang sarili na pinakamagaling na dancer noon, alam niyang may potensyal siyang gamitin ang kanyang talento para makatulong sa kanilang pamilya. “Hindi magaling, pero nakakasayaw,” biro niya.

Para kay Rochelle, malaking bagay na ang pagkakaroon ng sariling pera para sa kanyang baon.

Aniya, gusto niyang makatulong sa pamilya at hindi na kailangang humingi pa ng baon sa kanyang mga magulang. Noong panahon na iyon, malaki na para sa kanya ang ?20.

Hindi rin naging madali ang pagsali niya sa mga contest dahil tutol ang kanyang ama. Nag-aalala ito dahil gabi na siyang umuuwi mula sa mga dance competition. Gayunpaman, patuloy pa rin siyang sumali dahil alam niyang makatutulong ito sa kanilang pamilya.

Isa sa pinaka-memorable na kuwento ni Rochelle tungkol sa kanilang buhay noon ay ang pagkain niya ng kape at kanin bilang ulam kapag walang ibang pagkain.

Ayon sa kanya, naging panawid-gutom niya ang kape na hinahalo niya sa kanin. Simple man ito, naging normal na bahagi ito ng kanyang childhood.

Ang nakakatuwa, hindi raw niya noon nararamdaman na mahirap sila. Para sa batang Rochelle, ang mahalaga ay nagagawa pa rin niyang i-enjoy ang buhay kahit simple lamang ang kanilang pagkain.

Bukod sa kape at kanin, naaalala rin niya ang pagkain ng tuyo na minsan ay walang kasamang kamatis. Para sa kanya, masarap pa rin ito lalo na kapag nilagyan ng suka.

Sa kabila ng mga pinagdaanan, hindi hinayaan ni Rochelle na maging hadlang ang kahirapan sa kanyang mga pangarap. Sa halip, ginawa niya itong motivation upang magsikap at gamitin ang kanyang talento.

JANICE DE BELEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with