^

Bansa

PNP binira: VP Sara pinalusot sa mugshot

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
PNP binira: VP Sara pinalusot sa mugshot
Vice President Sara Duterte is escorted by members of the media as she walks down the stairs after posting bail at the Quezon City Regional Trial Court on September 5, 2026.
Michael Varcas/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Binatikos ni House prosecutor at Bicol Saro Partylist Rep. Terry Ridon ang Philippine National Police (PNP) matapos umanong palusutin si Vice President Sara Duterte sa mugshot at iba pang booking procedure nang maglagak ito ng piyansa sa Quezon City Regional Trial Court (RTC).

Ayon kay Ridon, malinaw na may “special treatment” ang PNP kay Duterte dahil hindi ito isinailalim sa parehong proseso na dinaanan ni Senador Rodante Marcoleta, na sumuko sa Sandiganbayan at dumaan sa kumpletong mandatory criminal booking process, kabilang ang mugshot.

“Kapag ordinaryong akusado, may mugshot. Pero kapag Bise Presidente, biglang wala. Sablay na sablay ang PNP sa pagtrato sa mga inaaresto. Tila may VIP kapag Bise Presidente,” ani Ridon.

Nitong Sabado, nagtungo si Duterte sa QC RTC Branch 98 para magpiyansa matapos itong maisyuhan ng warrant of arrest noong Biyernes kaugnay ng kasong grave threats laban kina President Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at ­dating Speaker Martin Romualdez.

Itinakda ng korte ang piyansang P120,000 bawat isa sa tatlong counts ng kaso o kabuuang P360,000.

Binigyang-diin ni Ridon na dapat patas ang batas para sa lahat ng akusado—ordinaryong mamamayan man, senador, o maging Bise Presidente.

Kasabay nito, pinagsabihan din niya si Duterte na tigilan na umano ang “drama” sa takot para sa kanyang buhay at pamilya.

“Tama na po ang drama. Wala naman pong grave threats case ngayon kung hindi dahil sa mga pahayag na naging batayan ng kasong isinampa laban sa inyo,” dagdag pa ng solon.

LAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with