^

PSN Palaro

Altas inilubog ang Stags

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ibinaon ng todo ng University of Perpetual Help System DALTA ang San Sebastian College sa ilalim ng team standings matapos ilista ang 82-75 panalo sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament na nilaro sa San Juan Arena kahapon.

Bukod sa pagrehistro ng 4-8 karta, ipinalasap ng Altas sa Stags ang pang 13 sunod na kabiguan, kaya naman bokya pa rin sila sa panalo.

Pero kahit papano ay pinakaba pa rin ng SSC-R ang UPHSD sa bandang dulo ng labanan.

“Fortunately, coach Olsen (Racela) reminded us to always play like underdogs,” ani assistant coach Allan Albano. “Buti no’ng first quarter, nakalamang kami ng maganda-ganda pero gano’n talaga ang basketball. It’s a game of runs, nagrun kami, nagrun din ang San Sebastian pero buti na lang, nasustain namin sa fourth quarter.”

Hawak ng Altas ang isang kumbinsidong 74-62  abante sa huling bahagi ng payoff period bago gumawa ang Stags ng 9-1 run upang mapababa ang lamang sa apat, 75-71, sa huling 2:04 minuto.

Gayunpaman, nagpakawala si Mark Gojo Cruz ng pamatay na tira sa pamamagitan ng isang inside shot bago tuluyang sinelyuhan ni Jim Corpuz ang laban gamit ang perpektong free throw para sa 79-71 abante, wala ng isang minuto sa orasan.

Nirehistro ni Gojo Cruz ang 19 puntos, anim na rebounds, at limang assists sa kanilang panalo.

Samantala, tumapos si Lawrence Mangubat ng 27 points para buhatin ang Jose Rizal University sa  85-79  panalo laban sa College of Saint Benilde.

DALTA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with