^

Bansa

2027 budget ‘pupurgahin’ - Lacson

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
2027 budget ‘pupurgahin’ - Lacson
Stock photo of a peso money bill.
Philstar.com / Irra Lising

MANILA, Philippines — Buo ang suporta ng mayorya ng Senado sa hakbang ni Senate Finance Committee Chairman Sen. JV Ejercito na linisin ang panukalang 2027 national budget sa pamamagitan ng pagtanggal sa mga kuwestiyonable, hindi kinakaila­ngan at posibleng pagmulan ng korapsyon na mga alokasyon, ayon kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Sinabi ni Lacson na nagkakaisa ang mga senador na tiyaking magiging transparent ang buong proseso ng pagbusisi sa budget bill at walang palalampasing kahina-hinalang item.

Kaugnay nito, na­ngako ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na aalisin sa bersyon ng panukalang budget na ipinasa ng Kamara ang mga proyektong walang sapat na supporting documents bago magsimula ang plenary debates, maliban kung maisusumite ang mga kinakailangang papeles bago ang Nob. 3.

Batay sa pagsusuri ng Senado, lumobo sa 16,244 mula 11,420 ang bilang ng mga proyekto ng DPWH sa budget bill. Sa dagdag na mga proyekto, 6,271 ang ipinasok umano ng mga mambabatas nang hindi dumaan sa paunang pagsusuri ng ehekutibo.

Inihayag din ni Ejercito na iimbitahan ang mga civil society organizations sa bicameral conference committee deliberations at ipapalabas nang live ang mga pagdinig upang matiyak ang transparency.

Ayon kay Lacson, magiging masusi ang Senado sa pagrepaso sa lahat ng kuwestiyonableng alokasyon sa bersyon ng Kamara, kabilang ang mga pondong napunta sa mga distrito ng mga kaalyado ng administrasyon.

Nang tanungin kung saklaw ng pagsusuri ang malaking pagtaas ng pondong inilaan sa mga proyektong pang-imprastraktura sa distrito ni Rep. Sandro Marcos, agad na sumagot si Lacson: “Yes, absolutely.”

Inaasahang sisimulan ng Senado ang plenary debates sa panukalang 2027 national budget matapos magbalik ang sesyon ngayong Nobyembre.

DPWH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with