‘Kindatan’ at drone: Mga bagong modus
Kung dati ay bribery, smuggling, o tunnel ang karaniwang modus ng mga sindikato, ngayon ay tila mas malikhaing paraan na ang ginagamit. Dalawang insidente ang lumutang kamakailan na parehong nakakagulat at nakakaalarma.
Sa NAIA, nabisto ang isang opisyal ng Bureau of Immigration na gumagamit ng “eye signal” o kindatan code bilang palatandaan sa human trafficking. Isang simpleng galaw ng mata, ngunit ang kapalit ay buhay ng mga kababaihan at kabataan na ibinubulid sa pang-aabuso sa ibang bansa. Ang ganitong kalakaran ay nagpapakita ng kahinaan sa frontline agencies na dapat sana’y bantay-sarado laban sa trafficking.
Samantala, sa loob ng New Bilibid Prison, lumutang ang balita ng tangkang paggamit ng drone para ipatakas ang isang Korean drug boss. Mabuti na lang, walang nangyaring aktwal na pagtakas. Ngunit ang mismong ideya na ang drone ay puwedeng maging kasangkapan ng sindikato ay malinaw na babala na ang teknolohiya ay nagiging bagong sandata ng krimen.
Ang “kindatan” at “drone” ay tila magkaibang mundo, ngunit parehong nagpapakita na ang krimen ay nagbabago, at ang ating sistema ay kailangang sumabay. Mabuti na lang, walang nangyaring aktwal na pagtakas gamit ang drone.
Ngunit ang mismong pagkakabunyag ng ganitong plano ay sapat na babala na ang Pilipinas ay hindi dapat maging playground ng mga sindikato.
Magkaiba man ang anyo ng modus, ngunit iisa ang mensahe, na ang ating sistema ay vulnerable sa malikhaing krimen.
- Latest



















