^

PSN Opinyon

Paglaban sa korapsyon tungkulin ng Kristiyano

SAPOL - Jarius Bondoc - Pilipino Star Ngayon

Namnamin ang panawagan ni Catholic Bishop Jose Colin Bagaforo:

“Bilang mga Kristiyano, hindi tayo maaaring maging neutral sa harap ng korapsyon. Sapagkat ang korapsyon ay kasalanan laban sa Katotohanan, laban sa Kataru­ngan, laban sa Kabutihang Panlahat, at laban sa Mahihirap. Kaya’t manalangin tayo, kumilos tayo, at manindigan tayo para sa isang lipunang may Pananagutan at Integridad. Sapagkat ang Kaharian ng Diyos ay hindi maitatayo sa pundasyon ng kasinungalingan at pagnanakaw.”

Turo sa atin na ang Banal na Kasulatan ay Katotoha­nan. Ito ang pangaral ng Diyos. At ang turo ng Bibliya ang wastong landas sa buhay. Kinokontra ito ng korapsyon.

Katarungan ang buod ng Sampung Utos. Sinimplehan ito ni Jesucristo sa dalawa: “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-iisip mo. Ito ang dakila at pangunang utos. At ang pangalawa ay katulad nito, Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng iyong sarili.” Tama lang, ‘di ba?

 Kapag tinaguyod natin ang Katotohanan at Kataru­ngan, naisusulong natin ang Kabutihang Panlahat. Hindi pansarili, o para lang sa iilang makapangyarihan. Naitataas natin ang interes ng Mahihirap at ng kapos-palad.

 Isinasakatuparan ni Bishop Bagaforo ang pangaral niya. Namumuno siya ng kilos protesta sa katiwalian.

Hindi siya kumikilya sa anomang partido. Tinutuligsa niya ang pandarambong at pagpatay nu’ng Panguluhan ni Rody Duterte, 2016-2022. Tinutuligsa rin niya ang P1.7-trilyong pandarambong ng flood control budget nu’ng 2015-2025. Kasama du’n ang unang tatlong taon ng Panguluhan ni Bongbong Marcos.

 Kasama ni Bishop Bagaforo si Evangelical Bishop Efraim Tendero, at Katolikong Bishops Socrates Villegas at Gerardo Alminaza.

CORRUPTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with