Lunas sa ulcer at sakit ng tiyan
Narito ang mga dapat mong gawin o mga agarang lunas sa ulcer o sakit ng tiyan:
1. Huwag magpapagutom: Kumain ng pakonti-konti ngunit madalas (small, frequent meals) para laging may laman ang tiyan.
2. Uminom ng antacid: Ang mga over-the-counter na antacid ay tumutulong na ma-neutralize ang acid sa tiyan para sa mabilis na pagpawi ng sakit.
3. Uminom ng tubig: Nakakatulong ito na mahugasan ang acid sa esophagus at tiyan pansamantala.
4. Iwasan ang pagkaing maanghang at acidic: Iwasan ang sili, kalamansi, lemon, at suka na lalong nagpapairita sa sugat sa tiyan.
5. Itigil ang caffeine (kape at matapang na tsaa) at carbonated drinks (softdrinks).
6. Iwasan ang mamantika at processed foods dahil mahirap itong tunawin at nagpapataas ng produksyon ng acid.
7. Iwasan ang pain relievers: Ibuprofen, Mefenamic Acid, o Aspirin (NSAIDs) dahil maaari nitong palalain o pagmulan ng ulcer.
8. Huwag hihiga agad pagkatapos kumain, maghintay ng 2 hanggang 3 oras bago humiga upang maiwasan ang acid reflux.
8. Bawasan ang stress at itigil ang paninigarilyo. Ang stress at sigarilyo ay nagpapabagal sa paggaling ng sugat sa tiyan.
9. Maaaring magreseta ang duktor ng gamot tulad ng Proton Pump Inhibitors (PPIs) o H2 blockers.
10. Magpatingin sa duktor sa tiyan o gastroenterologist o Emergency Room kung makaranas ng mga sumusunod na “red flag” na sintomas:
- Pagsusuka ng dugo o parang kulay kape (coffee-ground emesis).
- Maitim o parang alkitran ang kulay ng dumi (black, tarry stools).
- Biglaan at napakatinding sakit ng tiyan na hindi nawawala.
- Nahihilo, nahihimatay, o hirap huminga.
- Latest




















