^

PSN Opinyon

OFW hindi gatasan!

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

HINDI biro ang isang balikbayan box. Sa mata ng iba, kahon lang ’yan. Pero sa OFW, ibang usapan buwan ng pagtitiis, overtime, homesick at bawat pisong pinag-ipunan ang nakasiksik sa loob niyan.

Kaya dapat lang na may managot kapag pinabayaan, nawala o inabandona ang mga padala.

Ito ang gustong putulin ng Bureau of Customs sa ilalim ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno sa pagbuo ng Balikbayan and OFW Action Center (BOAC).

Diretso ang trabaho tutukan ang mga reklamo laban sa freight forwarders, consolidators at iba pang sangkot sa pagpapadala ng balikbayan boxes.

At dito nagiging interesante. Hindi lang taga-tanggap ng reklamo ang BOAC. Maaari rin itong magrekomenda ng legal at administrative action laban sa mga mapapatuna­yang pasaway.

Kaya sa mga nagpapadala ng kahon sa mga OFW, hindi na dapat puro ‘hintay lang po’ ang sagot kapag may aberya. Kung may shipment na inabandona at may responsable, dapat may sumagot.

Hindi puwedeng ang OFW ang laging kawawa, nagpadala na nga, nagbayad pa, tapos ang ending, “sorry po, hindi namin alam kung nasaan.” Kalokohan kung ganoon.

Ang balikbayan box ay simbolo ng sakripisyo. Kaya ang laban ni Nepomuceno rito ay hindi lang tungkol sa customs procedure. Tungkol ito sa tiwala ng milyun-milyon Pilipinong kumakayod sa ibang bansa.

At sana, hindi lang sa umpisa matapang. Dapat tuluy-tuloy ang paghabol sa mga pasaway. Dahil ang mensahe sa mga abusado dapat malinaw.

Huwag n’yong galawin ang kahon ng OFW. Pinaghirapan ‘yan. At kung may mang-agaw sa pinaghirapan ng kababayan natin, dapat may managot.

OFW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with