^

PSN Opinyon

Gen. Tuaño, pinalakas ang kampanya vs loose firearms!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

Hindi talaga nilulubayan ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño ang kampanya laban sa loose firearms sa Western Visayas. Tama lang naman ang direksiyon ni Tuaño dahil kapag walang mamamayan na armado ng baril na nagkalat sa kalye, magiging mapayapa at tahimik ang isang lugar. Anong sey n’yo mga kosa?

Sa totoo lang, umaabot na sa 858 baril ang nakumpiska, isinuko o isinurender sa PRO6 mula Mayo 15, hanggang Hulyo 31, subalit hindi pa kuntento si Tuaño sa kasipagan ng kanyang mga tauhan. “The significance of the accomplishments goes beyond the number of firearms confiscated or surrendered,” ang pahayag ni Tuaño. “Every firearm voluntarily surrendered is one less firearm that could potentially fall into the wrong hands. For us, that is already a life that may be protected and a possible incident that may be prevented,” ayon pa kay Tuaño. “ We would rather act early and work with our communities than wait for these firearms to be used in a crime,” ang sabi pa ni Tuaño. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa nasabing period, ang nanguna sa listahan ng pinakamaraming nakumpiska at isinuko, at pina-custody na baril ay ang Iloilo Police Provincial Office na may 410, at sinundan ng Antique na may 129. Ang Aklan ay may 97, Capiz 85, Iloilo City Police Office 59, at Regional Mobile Force Battalion sa 57. Ang pinakulelat pero masabi ni Dipuga na pinakatahimik ay ang Guimaras na may 11. Purbidang yawaahhhhh! Get’s n’yo mga kosa?

Teka, teka! Itong mga accomplishments kontra loose firearms ay tinawag ni Tuaño na Project R. T. T. o Restrict, Track and Turn-in, na isang inisyatibo ng PRO6 na pino-promote ang naayon sa batas, at boluntaryng pagsuko ng mga baril na walang papeles. Kasama dito ang mahigpit na koordinasyon ng barangay officials, LGUs at iba pang stakeholders. Masayang ipiniresinta ni Tuaño ang mga baril ,na resulta ng pagsisikap ng kanyang mga tauhan, sa isang media briefing sa PRO6 Multi-Purpose Hall sa Camp Martin Teofilo Delgado nitong Lunes. Dipugaaaaa! Walang kokontra ha? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sa ilalim pala ng Project R. T. T. ang mga police units sa Western Visayas ay kailangan makipag-ugnayan sa mga firearms holders, magmonitor ng baril na may expired na lisensiya o registration, at hikayatin ang mga ito na boluntaryong isuko ang mga ito na hindi ginamitan ng dahas. Tutulong ang PRO6 para ayusin ang mga dispalingado o pasong papeles ng baril. Sanamagan! Epektibo talaga ang proyektong ito, no mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

“Our message is simple: if you have a firearm that is undocumented or has an expired license or registration, do not wait until it becomes a problem,” ani Tuaño. Hayan mga kosa kong mahilig sa baril. Ano pa ang hinihintay n’yo? Abangan!

WESTERN VISAYAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with