^

PSN Opinyon

Hika: Mga dapat iwasan

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong - Pilipino Star Ngayon

Ang mga sintomas ng hika ay ang hirap sa paghinga, pag-ubo at paghuni (wheezing). Ang huni ay katunog sa “huuu-huuu,” na parang may pusa sa baga.

1. Ayon sa pag-aaral, mababawasan natin ang pa­nga­nib ng hika sa pag-konsumo ng antioxidants, vitamin C, beta-carotene at selenium.

2. Ang masusustansyang pagkain katulad ng dalandan, calamansi, lemon, suha, carrots, kalabasa, kamatis at isda ay nakatutulong sa mga taong may hika.

3. Kung mayroong naninigarilyo sa inyong bahay, kailangan ang mga bata kumain ng mga pagkaing maya­man sa vitamin C. Ayon sa pag-aaral, bababa ng 40% ang peligro ng hika kung sapat ang vitamin C ng bata.

4. Sa bata at matanda, bawasan o alisin ang mga pag­kaing nagpapa-trigger ng hika, tulad ng vegetable oils, matatabang karne at processed foods.

5. Maaari rin magbawas ng karne at mantika sa fast foods, dahil ang saturated fat ay isa sa nagdudulot ng pamamaga sa daanan ng hangin. Ayon sa pag-aaral, 92% ng pasyente na may hika na kumakain ng gulay lamang ay nakararanas ng pagbaba ng sintomas ng hika.

6. Ang vetsin din ay masama sa may hika. Mas mara­ming vetsin, mas malala ang atake.

7. Alamin ang allergy at iwasan ito. Sa Pinoy, kadalasan ito ay pagkaing dagat tulad ng pusit, hipon, alimango, at mga mani, itlog at manok. Ingat din sa mga gamot tulad ng pain relievers at aspirin.

HIKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with