^

PSN Opinyon

‘Bato Arrest’: Isang scam pang-distract sa Sara confidential fund scam?

BARDAGULAN - Ronald M. LLamas - Pilipino Star Ngayon

Sa pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, lalong umiigting ang pagbusisi sa kanyang kwestyunableng paggamit ng multi-million-peso confidential funds. Sunud-sunod na dokumento at testimonya ang iniharap ng House prosecution upang ipakita ang umano’y mga paglabag sa COA-DBM Joint Circular No. 2015-01.

Sa pangunguna ni Atty. Lorna Kapunan, iginiit ng prose­kusyon na ang usapin ay kung naaayon sa batas ang dis­bursement at liquidation ng confidential funds. Iniharap ng dating COA auditor ang mga acknowledgment receipt at liquidation document na umano’y kulang sa mga rekisito, at may mga kung ano-anong gastusin tulad ng food at medical assistance, travel, at incentives na hindi kabilang sa mga pinahihintulutang paggamit ng confidential funds. Ipinakita rin ng prosekusyon ang mga dokumentong may lagda ni Duterte upang irehistro na ang mga ito ay may basbas niya.

Dito ginamit ni Kapunan ang salitang “scam” upang ilara­wan ang umano’y naging sistema ng diumano’y tiwaling pag­lustay sa pera ng bayan. Aniya, ang mismong proseso ng liqui­dation ay ginamit umano upang magmukhang legal at na­aayon sa patakaran ang paggasta ng confidential funds, kahit kulang o walang sapat na katibayang nagpapatunay na ang pondo ay tunay na ginamit para sa mga layuning pina­hi­hintulutan ng batas.

Kasabay nito, inilabas ng OCTA Research ang pinakabago nitong survey report na nilalahad na bumaba ang trust rating ni Sara mula 50 porsiyento noong Marso tungong 45 porsiyento, habang tumaas ang dissatisfaction rating niya mula 28 porsiyento hanggang 36 porsiyento. Sa parehong survey, 74 porsiyento ng mga Pilipino ang nagsabing dapat harapin ni Sara ang impeachment trial. Maliwanag, habang tumatagal ang paglilitis, bumabagsak ang kumpiyansa ng publiko kay Sara.

Kaya hindi kataka-taka na kasabay ng paglilitis ay ang pagkalat ng tsismis na naaresto na umano si Senador Bato dela Rosa. Nagmula ito sa mga Facebook post ng mga alipores ni Sara, na mabilis namang pinabulaanan ng pamahalaan. Dahil bumabagsak ang numero ni Sara, tila ang “Bato arrest” ay isang scam para pang-distract sa Sara confidential fund scam.

Maliwanag, habang tumatagal ang paglilitis, lalong nagiging desperado ang mga pakana ng kampo ni Sara para patuloy na takasan ang tawag ng pananagutan.

Maging mapagmatyag. Huwag na ulit magpa-scam!

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with